BELA, AYAW PAG-USAPAN SINA KIM AT ANGELICA
- BULGAR

- 2 days ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | August 21, 2026

Photo: IG _bela
Tumanggi si Bela Padilla na pag-usapan ang kasalukuyang estado ng pagkakaibigan nila nina Kim Chiu at Angelica Panganiban, a.k.a. AngBeKi.
Tinanong si Bela tungkol dito habang ipino-promote ang paparating niyang pelikulang Life After You (LAY), kasama ang Diamond Star na si Maricel Soriano.
“Are you still friends with Kim [Chiu] and Angelica [Panganiban]?” tanong ng reporter.
Diretsong sagot ng aktres, “I won’t talk about it po. Thank you.”
Dahil dito, muling umingay ang espekulasyon ng mga netizens tungkol sa kanilang matagal nang pagkakaibigan. Dati ay madalas nakikitang magkasama ang tatlo at nagbabahagi ng mga bonding moments online.
Tumindi ang usap-usapan matapos mapansing wala si Bela sa ilang bonding moments nina Angge at Kim. Gayunman, wala pang kumpirmasyon mula sa tatlong aktres na nagkaroon ng lamat o tuluyang nagwakas ang kanilang pagkakaibigan.
Isa sa mga nabanggit na insidente ay ang naging komento ni Bela tungkol sa desisyon ni Kim na i-freeze ang kanyang mga egg cells sa programa ni King of Talk Boy Abunda na Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
Sa kanyang latest response, hindi kinumpirma o itinanggi ni Bela ang mga espekulasyon, sa halip, tumanggi siyang pag-usapan ito.
Isnabera at maldita raw, pumiyok sa blind item…
FRANCINE, AMINADONG HIRAP SA PAKIKISAMA
NAGSALITA na ang aktres na si Francine Diaz tungkol sa mga blind items (BI) na isnabera, mahirap lapitan at maldita raw siya.
Sa isang panayam na inilabas ng ABS-CBN noong Agosto 19, sinabi ni Francine na aware siya sa mga BI tungkol sa kanya at aminadong ‘confused’ sa mga ito.
Ipinaliwanag niyang madalas siyang tahimik, lalo na kapag pagod o overwhelmed sa trabaho, kaya posibleng napagkakamalan siyang suplada o maldita.
Sey ng aktres, “I am very, very confused.”
Aminado rin siyang nahihirapan siyang hanapin ang tamang balance kung kailan dapat manahimik at kung kailan mas magiging outgoing at makulit.
Ayaw niyang mailang ang mga taong kasama niya, kaya sinusubukan niyang maging mas present at approachable.
Nagsalita raw siya dahil napansin niyang sunud-sunod na ang mga blind items na tingin ng mga netizens ay siya ang tinutukoy.
May punto rin si Francine na kapag tahimik siya, may masasabi pa rin ang ibang tao, kapag maingay naman siya, may naririnig pa rin siyang komento.
Sa halip na dibdibin ang lahat ng criticisms, natututo na rin daw siyang i-differentiate ang constructive criticism sa bashing.
Kapag may punto at may bagay siyang puwedeng baguhin sa pakikitungo o trabaho, handa niya itong pag-isipan. Pero kung puro paninira o labeling lang, ayaw na niyang hayaang makaapekto iyon sa kanya.
At mukhang sinusubukan ni Francine na maging mas aware sa sarili niya nang hindi hinahayaang diktahan ng mga blind items kung ano ang totoong pagkatao niya.
Mahilig daw sa sikat… KYLE, KINA ANDREA AT KAI NOON, KAY AIAH NG BINI NGAYON
NAG-ENJOY ang aktor na si Kyle Echarri sa kanyang vacation trip sa Japan.
Aniya sa kanyang Instagram (IG) Stories, “Dream like a kid in a candy store, because why not? Pagdamgo (mangarap) ba?”
Nagkomento naman si Maris Racal, “Where’s the slide where we got lost in a cemetery?” na tila may tinutukoy na dating na-experience nila.
Balik-tanong ni Kyle, “@mariesteller, do you have a video?”
Samantala, napansin ng ilang netizens ang paglitaw ng pangalan ni BINI Aiah sa comments section, kaya naglabas sila ng kani-kanilang reaksiyon.
“KaiKyle (Kai Montinola at Kyle) fan po ako, pero hindi ko po bina-bash si Aiah kasi support ko kung sino ang ka-real (karelasyon) nila. ‘Wag kayo manghimasok sa love life ng mga idol n’yo.”
“‘Wag mo na lang patulan, Sis. Hayaan na natin si Kyle kung saan s’ya masaya.”
“Ikaw ba naman maging dyowa si BINI Aiah, bakit ‘di ka nga sasaya?”
May ilan namang pumuna kay Kyle at nagsabing tila lumalapit siya sa mga babaeng sikat.
Sabi ng isang basher, “Pansin ko, kung saan sikat, du’n lumalapit si Kyle. Una kay Blythe (Andrea Brillantes), pangalawa kay Kai, tapos ngayon kay BINI Aiah.”
May netizen ding nagkomento tungkol sa umano’y ‘soft launch’ sa Japan nina Kyle at
Aiah, habang may ilan namang nagtatanggol sa BINI member laban sa mga tumatawag sa kanyang ‘malandi’ at ‘easy to get’.
Sey naman ng isang netizen na pumuna sa pagiging mapanghusga ng ilang fans, dati raw, kapag puro lalaki ang kasama ni Kyle, iniisyuhan siya, ngayon namang babae ang kasama niya, may problema ulit.





Comments