Beermen, patas na sa 2-2; Finals, naaamoy ng Hotshots
ni Gerard Arce - @Sports | October 11, 2021

Pinatunayan ng San Miguel Beer ang rason kung bakit sila ang 5-time Philippine Cup champion nang ipamalas ang bangis kontra league-leader TNT Tropang Giga sa bisa ng 116-90 demolisyon at itabla sa 2-2 ang serye, habang iniangat sa 3-1 bentahe ng Magnolia Pambansang Manok Hotshots ang serye kontra Meralco Bolts kasunod ng 81-69 panalo sa parehong best-of-seven semifinal series ng 46th PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga.
Hindi nagpalamang ang Beermen mula sa umpisa hanggang dulo at siguraduhing mabawasan ang turnovers na naging sanhi ng dalawang pagkatalo sa serye, kabilang na ang tambakang Game 3 na nagtapos sa 115-98 noong Biyernes, para dalhin na lamang ang serye sa best-of-three simula sa Miyerkules.
“We’re always on a catch-up situation that’s why we want a good start. We also try to limit our turnovers by giving away 29 point from turnovers last game. We’re really embarrassed in that game and wasn’t able to get some sleep,” pahayag ni SMB coach Leo Austria.
Nagpakitang-gilas para sa Beermen si Filipino-Tongan Moa Tautuaa na kumana ng 25 puntos kasama pa ang 9 rebounds at tig-2 assists at blocks para pamunuan ang anim pang rumehistro ng double digit scoring.
Bumida para sa Hotshots si Mark Barocca sa 17 points at ang importanteng tres sa mahalagang huling minuto. Tinapatan naman ng “Pinatubo Brothers” na sina Calvin Abueva at Ian Sanggalang ang tig-17 puntos kasama ang 12 at 11 rebounds. Kinapos sa Meralco si Reynel Hugnatan sa 21 pts. “We expect the run di lang namin alam kung anong part, but we need to weather the storm and eed to stay composed kase alam namin na di madali ang game. Thankful ako na with the experience of Mark and all the players, kumbaga dumating sa kanila ynu to stay compose on last possession, I think yung multiple effort from start to finish and both end s of the court,” wika ni Hotshots coach Chito Victolero.





Comments