Bebot na bigtime tulak, huli sa P200M shabu

ni Gina Plenago @News | September 21, 2026

Photo: SS / PNP
TInatayang nasa higit P200 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha ng mga awtoridad sa babaeng sinasabing tulak umano ng ilegal na droga sa buy-bust operation Sabado ng hapon sa Las Piñas City.
Alas-3 ng hapon nang magsagawa ng operasyon sa Veraville Townhouse BF International, Las Piñas City ang PNP-Drug Enforcement Group, National Capital Region Police Office, Southern Police District , at Las Piñas Police Station laban sa 40 anyos na si alyas Girlie.
Nasa kabuuang 30,000 gramo ng umano'y shabu ang nakuha ng pulisya sa suspek na nagkakahalaga ng P204,000,000, pati na ang ginamit na buy-bust money at cellphone.
Ani SPD Director P/BGen. Rodel Pastor, dadalhin ang mga nasamsam shabu sa kanilang Forensic Group upang isailalim sa chemical examination habang nasa Las Piñas Police Station ang suspek para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa Sections 5 11, Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 laban sa kanya sa Las Piñas City Prosecutor’s Office.





Comments