top of page
BULGARY - MOIRA, UMAMING ALAM ANG DAHILAN NG HIWALAYAN NINA SAM AT CATRIONA_IG _moiradelat

Ex ng ka-live-in, iniimbestigahan... Mister, pinagbabaril sa kalsada, utas

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | September 21, 2026



Ex ng ka-live-in, iniimbestigahan... Mister, pinagbabaril sa kalsada, utas

Photo: File



Isang 33-anyos na lalaki ang nasawi matapos pagbabarilin habang mag-isang naglalakad pauwi sa Brgy. Banlag, Valencia City, Bukidnon Sabado ng gabi.


Sinasabing nilapitan umano ang biktima ng isang lalaki at mabilis na pinaputukan ng tatlong beses.


Tinamaan ang biktima sa dibdib, tiyan at hita na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.


Ayon kay Police Lt. Col. Hope Mark Orbuda, isang tao na ang tinukoy na person of interest na sinasabing dating live-in partner ng kasalukuyang kinakasama ng biktima.


Dahil dito, kabilang sa tinitingnang anggulo ang selos o personal na alitan bilang posibleng motibo sa krimen, bagama’t patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang tunay na dahilan ng pamamaril.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page