- BULGAR
Beauty queen, kahit tameme na… GUANZON, TODO-ENJOY SA 'BARDAGULAN' NILA NI RUFFA
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | July 16, 2022

Nang dahil lang sa isyu ng mga dating kasambahay ni Ruffa Gutierrez na lumayas nang hindi maayos na nagpaalam, kung saan-saang isyu na napunta ang sagutan-patutsadahan ng kampo ni Ruffa at ni Atty. Rowena Guanzon na dating Comelec commissioner, lalo na't umentra pa sa eksena ang palabang mom ng aktres na si Annabelle Rama.
Si Annabelle ang sumagot sa mga patutsada ni Atty. Guanzon kay Ruffa. At mukhang hahaba pa ang isyung ito kung hindi titigil ang sinuman sa kanila.
Pansin ng mga netizens ay nag-aasal-showbiz na si Atty. Guanzon at gustong lagi siyang pinapansin. Ine-enjoy niya ang nakukuhang atensiyon sa social media.
Si Ruffa naman ay planong dedmahin na lang ang lahat dahil ayaw niyang ma-stress.
Ayaw niyang maging bahagi ng bardagulan.
Marami nga ang naaliw nang magtanong si Ruffa kung ano ang ibig sabihin ng "bardagulan". Wala raw kasi sa dictionary o Google ang meaning nito.
Well, ito ang pinausong termino ngayon sa talakan-asaran nina Atty. Rowena Guanzon at Annabelle Rama. At marami ang naaaliw sa ganitong senaryo sa showbiz.
'Wag lang sigurong umabot sa awayang may pisikalan na at sana, 'wag nang masyadong personal.