Beauty queen, 'di pa rin maaming GF… SIGAW NI HERBERT: MAGKAIBIGAN KAMI NI RUFFA!

ni Julie Bonifacio - @Winner | April 2, 2022

Nagbigay na ng reaksiyon ang former Quezon City mayor and senatorial aspirant na si Herbert “Bistek” Bautista sa naging pahayag ni Kris Aquino sa ginanap na rally sa Tarlac ng partido nina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan.
Nainterbyu si Bistek ng ilang taga-media during break in one of the campaign sorties ng UniTeam nina BBM at Mayor Sara Duterte kung saan kaanib si Bistek sa kanilang senatorial slate.
Sa simula ng interbyu kay Bistek ay pinasalamatan niya ang nababalitang girlfriend niya ngayon na si Ruffa Gutierrez dahil sa ipinost ng dating beauty queen sa kanyang Instagram na may caption na: "Be kind to everyone, including your ex."
Naniniwala ang mga ‘Marites’ na patama ito ni Ruffa sa ex-girlfriend ni Bistek na si Kris. Matatandaan na naging kontrobersiyal ang pag-apir ni Kris sa Leni-Kiko rally sa Tarlac nu’ng isinigaw ng dating TV host na ‘wag iboto ang isang senador na nasa kabilang kampo dahil ‘di marunong tumupad sa pangako.
“Una, maraming salamat kay Ruffa, magkaibigan kami, eh, she was 13. ‘Yung mga tatay namin, parehong artista na magkasama sa industriya ng pelikulang Pilipino,” panimula ni Bistek.
Pagpapatuloy pa niya, “And, uh, ‘yung kay Kris naman, sinabi ko na kanina sa Tarlac, pagpunta ko ng Tarlac, as you suggested (tukoy niya sa reporter), doon na ako sasagot. Hahaha!”
Nag-react din si Bistek sa sinabi ni Kris na marami raw siyang pangako na ‘di tinupad.
“Wala naman siyang binanggit na tao. Basta ako, hindi kasi ako mahilig mangako. Ang ginagawa ko na lang, gaya ng mga projects ko sa Quezon City, katulad nu’ng pabahay, DRRM (Disaster Risk Reduction Management), pagtatayo ng ospital. Hindi ko naman ipinangako ‘yun, eh, ginawa ko na lang. So, hindi ako mahilig mangako,” pahayag ni Bistek.
Hindi man daw nagbanggit ng pangalan si Kris sa sinabi niya na ‘di marunong tumupad sa pangako, naniniwala ‘yung reporter na nagtanong na si Bistek ang tinutukoy ng TV host. Malaki rin naman daw kasi ang naging papel ni Kris sa buhay niya.
“Alam naman yata ng mga tao ‘yun. At one point or another, nagkaroon kami ng ano, uh, 'yun lang. Hehe! Ayokong magsalita, eh,” sagot ni Bistek.
Tinanong din si Bistek kung ano ang ipinangako niya kay Kris na ‘di natupad.
Pero pabirong sinagot ni Bistek ang mga nag-iinterbyu sa kanya, “Ah, ako ay Pilipino. Hahaha! Parang Panatang Makabayan pala ‘to,” ngiti niya.
Pero hindi natinag ang taga-media at pinush ang tanong kung wala ba siyang ipinangakong kasal kay Kris.
“Sa Tarlac natin malalaman ‘yan, pagpunta natin doon,” say ni Bistek.
Ngayong araw nakatakda ang rally ng UniTeam sa Tarlac.
Ipinaliwanag din ni Bistek na hindi niya nabasa ang ipinost ni Ruffa na “be kind to everyone.”
“Nabalitaan ko na lang. Hindi ko nabasa. Hindi kami nagkakausap masyado. So, baka ibang tao rin ‘yung sinasabi niya.”
Huling hirit pa ng mga nag-iinterbyu kay Bistek, agree ba siya sa ipinost ni Ruffa na dapat, huwag maging bitter sa ex?
“Eh, ikaw? 'Yung ex mo ba? Alis na ako,” sambit niya sabay exit.





Comments