top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

BEAUTY, PROUD NA SIYA ANG BAGONG 'LANI' NI SEN. BONG

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 15, 2023
2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 15, 2023




Bagama't wala pang official announcement ang GMA-7, usap-usapan na nga na si Beauty Gonzalez ang bagong leading lady ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa TV remake ng pelikulang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na pinagbidahan ng aktor-pulitiko at ni Lani Mercado noong 1994.


Kahapon sa grand launch ni Beauty bilang first celebrity endorser ng Hey Pretty Skin ay naitanong ito sa kanya at inamin naman niyang kasalukuyang may pag-uusap na nagaganap tungkol dito sa pagitan ng GMA-7 at ng mga managers niyang sina Becky Aguila, Katrina Aguila and Jan Enriquez.


"It's in the talks, I hope. I'm very excited. Sana, we'll see," masayang wika ni Beauty.


Sey nga ni Beauty ay tumatayo ang balahibo niya sa sobrang saya at ngayon pa lang ay pinaghahandaan na niya ang proyekto.


Pinapanood nga raw niya ang lahat ng pelikula ngayon ni Sen. Bong at kahit na isa ring Bisaya si Beauty ay nag-aaral ulit siyang mag-Bisaya bilang paghahanda sa kanyang karakter.


At siyempre, kahit daw action-comedy ito ay hindi pa rin mawawala ang kaunting sexiness, kaya inire-ready niya rin ang kanyang katawan at talagang nagwo-workout siya ngayon.


"Hindi tayo magpapatalo. Kailangan, slim din tayo at palaban," natatawa niyang sabi.


Ano ang feeling niya na ang dating role ni Lani ang kanyang gagampanan?


"Nakakatuwa. Parang ibang flavor naman ngayon, a Bisaya wife. So, from Lani Mercado to a Bisaya. You know, iba naman ngayon. But, I'm quite pressured, also, kasi sobrang patok 'yung movie nila, not only part 1, nagka-part 2 pa 'yun.



"But, of course, I'm very happy and thankful with the cast, kasi if puwede ko na i-announce 'yung iba kong mga kasama, iba rin 'yung flavor ngayon. Ay, tumatayo ang balahibo ko! Kung puwede ko lang isigaw. Feeling ko, it will be a hit show kasi we need something to laugh, we need something to be happy, we need something na makaka-relate 'yung mga Bisaya, also.


And, for Sen. Bong to open this door for me, sa mga Bisaya, I’m very proud of it," she said.


Masayang-masaya rin si Beauty na napakaraming blessings ang dumarating sa kanya ngayon.


Bukod sa sunud-sunod ang endorsements niya ay dalawa pa ang upcoming series na gagawin niya sa GMA-7, ang Stolen Life with Carla Abellana and Gabby Concepcion at ito ngang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.


Aniya ay mag-o-overlap pa ang dalawang serye.


"I am so thankful with Tita Becky, kasi so many things have happened. Wala pang isang taon," she said.


At bilang new face ng Hey Pretty Skin, happy and nervous si Beauty, dahil siya nga ang pinakaunang celebrity endorser ng nasabing skin scare company na pag-aari ni Anne Barretto.


"I am very thankful for the trust they have given me. Hey Pretty Skin has been in the market for only one year and for them to pick me as their first celebrity endorser is really a big deal. I must admit, I feel a bit of pressure, but I trust Ms. Anne, her vision and most importantly, I believe in her products and how it can really help people achieve better, glowing skin and feel good inside," ani Beauty.


Ayon naman kay Anne, Beauty was chosen as the endorser for having that beautiful glow inside and out, just like Hey Pretty Skin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page