top of page
Search
  • BULGAR

BEAUTY, NAWALAN NG PHONE, TAKOT NA TAKOT KUMALAT ANG NUDE PHOTOS

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 15, 2023



Nakakatuwa naman ang kuwento ni Beauty Gonzalez tungkol sa kanyang art curator husband na si Mr. Norman Crisologo.


Nakausap namin si Beauty kahapon sa launching niya as the first endorser-ambassadress of Hey Pretty Skin na pag-aari ng pretty ding CEO na si Anne Barretto at distributed nationwide ng Rising Era Dynasty sa pangunguna ng president at CEO na si Mr. Red Era.


Bagama't naikuwento na ni Beauty noon kung gaano ka-supportive at understanding sa career niya si Norman, amazed pa rin kami sa mga kuwento niya kung paano nakasuporta sa kanya ang mister.


Ani Beauty, si Norman daw ang stylist niya, as in ito ang pumipili ng kanyang mga isusuot. Ang mister din daw ang greatest critic niya kaya naniniwala siya agad anuman ang sabihin nito.


Napaka-broadminded din daw ng mister na okay lang dito kahit kanino siya makipag-kissing scene sa mga leading men niya, as long as pag-uwi raw niya, tiyakin lang niyang nag-toothbrush siya! Hahaha!


Wala rin daw issue kay Norman kahit super sexy ng mga suot ni Beauty sa TV o Instagram account nito at ang mister pa nga raw ang mismong nagpi-pictorial sa kanya habang nude, na in fairness, may class pa rin naman daw at 'di 'yung nakakabastos na shots.



Kaya lang, pag-amin ni Beauty, nag-panic daw talaga siya at hindi nakatulog minsang mawala ang kanyang phone dahil baka nga kumalat ang mga nude photos niya.


At alam n'yo ba kung ano'ng sinabi sa kanya ni Norman? (Siyempre, 'di pa, hahaha!)

Natatawang kuwento ni Beauty, "Sabi ng husband ko, 'Okay lang 'yan, dadami ang followers mo.


At saka hindi naman pangit 'yung mga nude photos mo, eh. Maganda naman, hindi ka naman magmumukhang ewan.' Hahaha!"


At du'n na nga napayapa ang kalooban ni Beauty dahil naniniwala raw siyang anuman ang mangyari sa kanya, nandiyan lang si Norman para tanggapin siya.


"What I like about him, he allows me to do what I want, he allows me to continue doing this and I know that when times get rough, at kung may hindi man maganda, madapa ako, no judgments, he will hold my hand and he will always be there to support me," naging emosyonal nang sabi ng aktres.


Sana all na lang talaga!


Samantala, very thankful si Beauty na siya ang napili ni Ms. Anne Barretto para maging unang mukha ng Hey Pretty Skin na 1 year pa lang sa market pero ang dami nang distributors nationwide.


Pagmamalaki naman ni Ms. Anne, bago niya sinimulan ang Hey Pretty Skin beauty products, nakapagtayo na siya ng aesthetic clinic na nagsimula nu'ng 2018 lang pero ngayon ay may 19 branches na sa buong bansa.


At ngayong nag-e-expand siya ng business, open na rin daw sila for resellers para makapagbigay ng maraming trabaho.


 

Daming hugot, Kim!

XIAN, MAYA'T MAYA KINUKUWESTIYON SI GOD SA MGA NANGYAYARI SA BUHAY NIYA




First team-up nina Xian Lim at Ryza Cenon ang Viva Films movie titled Sa Muli na tatalakay sa reincarnation at mula sa direksiyon ng dating PBB housemate-turned director na si Fifth Solomon at palabas na sa April 26 in cinemas nationwide.


Pag-amin ni Ryza sa mediacon, since introvert siya, nag-research siya about Xian bago nila ginawa ang pelikula. At dahil introvert din naman si Xian, nagkasundo raw sila while shooting the film, of course, with the help of Direk Fifth na siyang nagbe-break ng ice sa pagitan ng kanyang mga bida.


Hindi naman daw sila nahirapang makatrabaho ang isa't isa at magkaroon ng chemistry dahil nagswak naman ang mga ugali nila.


Kakaibang klase ng pagmamahalan na tatakbo nang ilang henerasyon ang kuwento ng pag-iibigan ng mga karakter nina Xian at Ryza sa Sa Muli.


Sa trailer ng movie, may isang linya kung saan kinuwestiyon ng karakter ni Xian si Lord kung bakit paulit-ulit ang ginagawa nitong pagsubok sa buhay niya.


Kaya naman, tinanong namin sina Ryza, Direk Fifth at Xian kung in real life ba ay nangyari rin ito na tinanong nila si Lord sa mga dumating na pagsubok sa buhay nila.


Pag-amin ni Ryza, ilang beses daw niyang tinanong si Lord dahil sa mga naranasang depresyon lalo na nu'ng pandemic, at sinagot din naman daw agad ng Diyos ang kanyang mga tanong.


Si Direk Fifth, nagkaroon din daw ng depresyon dahil sa ilang pelikulang ginawa niya, wala man lang nag-box office hit, kaya sana raw, itong Sa Muli na ang sagot ni Lord sa mga tanong niya.


But at least, nakatagpo si Direk Fifth ng dyowang love na love siya at todo-suporta sa kanya kaya kumbaga, isang way na rin 'yun ni Lord para sagutin ang mga tanong niya sa buhay.



Ang naintriga kami ay sa "hugot sagot" ni Xian na ang sabi, "Yes! Maya't maya. I think every single day, may mga questions ako na ganyan. But, it helps to be in a supportive circle, with your family, support from your friends na sinasabi nilang 'Everything's gonna be okay, Xian,' na katulad nga ng sinabi ni Ryza, na instead of questioning, maybe you just have to accept it and it will be better that way. Kaysa maya't maya ang daming reklamo, instead maybe, just seeing it in a different perspective or the good side of it?"


At sa tanong namin kung may chance ba na gusto na niyang mag-give-up, pag-amin nito, "Lagi, every single day, every single moment, mayroong mga questions. Pero, hindi naman natin bino-broadcast, hindi naman natin ipino-post. But, babalik at babalik ako to having a supportive circle na parang sila 'yung sasabihan ko na 'Parang ayoko na,' 'Wala naman 'tong pupuntahan,' parang I feel down. Pero, sila 'yung magpu-push, sila 'yung mag-a-uplift."


Ohhhh, knows ba ni Kim Chiu 'yan? Hehe!


Anyway, kasama rin nina Xian at Ryza sa Sa Muli sina Candy Pangilinan, Marissa Sanchez, Aurora Sevilla, Josef Elizalde, Carlyn Ocampo, Andrew Muhlach, Ali Khatibi at marami pang iba. Mula sa Viva Films, showing na 'yan sa April 26.




0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page