- BULGAR
BEAUTY, GUSTO NANG MAG-RETIRE SA SHOWBIZ HANGGANG 'DI PA LAOS
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 12, 2022

Kung si Beauty Gonzalez ang papipiliin, nais niya palang maagang magretiro sa showbiz.
Sinabi ito ng Kapuso actress sa ginanap na mediacon/contract signing niya for Beautederm kamakailan.
"Ako kasi, I'm the type of person na pinaplano ko talaga. As much as I can, kung kaya kong planuhin 'yung career ko, I would plan it,” pahayag ni Beauty.
Actually ay 31 years old pa lang si Beauty at nasa peak pa ng kanyang career kung tutuusin.
“If I'd be retiring, I wanna retire at my peak. I don't wanna retire feeling na I'm going down para when I turn my back, naka-smile pa rin ako, hindi ako umiiyak,” she said.
Pero hindi pa naman magreretiro sa ngayon ang aktres lalo pa nga’t ang gaganda raw ng dumarating na offers sa kanya.
“Gusto kong mag-retire, but kung mayroon mang magandang project na I can't resist, who am I to say no if maganda talaga?” aniya.
“But kung kaya, I would really wanna retire young and beautiful and while I'm still up there.
Ayaw kong umalis ako na, alam mo 'yun, hindi na maganda. 'Yung gusto ko, kapag nakatalikod ako, masaya ako,” dagdag niya.
Thankful din si Beauty na may asawa siyang sobrang supportive sa kanya at hindi siya pinipigilang gawin ang mga bagay na gusto niya.
In fact, kasama nga niya sa mediacon ang mister niyang si Norman Crisologo na hindi rin nakaligtas na tanungin din ng press. Natanong siya kung ano ang reaksiyon niya sa bikini photo ni Beauty for Beautederm at aniya ay sobrang proud siya na ang seksing babaeng nasa larawan ay siyang katabi niya sa pagtulog.
Samantala, si Beauty ang bagong mukha ng BeauteHaus na dermatological center ng Beautederm located in Angeles City, Pampanga.