Beauty and brains daw, Julia… GERALD, BILIB NA BILIB KAY SHUVEE
- BULGAR
- Jun 14
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | June 14, 2025
Photo: Shuvee at Gerald - PBB - YT
Si Gerald Anderson ang sumunod kay Barbie Forteza na houseguest sa Bahay Ni Kuya at na-call out siya ng isang fan nina Kim Chiu at Paulo Avelino. Ang kasalanan ni Gerald, nabanggit niya ang pangalan ni Kim na hindi maiiwasan dahil nagsabay sila sa Pinoy Big Brother (PBB), nagkarelasyon at nag-break.
Pakiusap ng KimPau fan, huwag na raw babanggitin ni Gerald si Kim dahil matagal nang tapos ang relasyon nila. Saka, masaya na raw si Kim sa piling ni Paulo. Ipinagtanggol si Gerald ng kanyang mga fans dahil wala naman daw masama sa ginawa nito at nabanggit lang si Kim na hindi maiiwasan.
Hopefully, hindi ma-call-out si Gerald ng mga fans naman nila ni Julia Barretto dahil napansin at pinuri ang beauty at husay sumagot ng housemate na si Shuvee Etrata. Beauty and brains daw ang Sparkle GMA artist na hindi lang maganda, magaling pang sumagot.
Nabanggit kasi ni Shuvee ang rason kung bakit Angat Buhay ang napili nilang charity. Napahanga si Gerald sa paliwanag nito, kaya tinanong si Shuvee kung beauty queen dahil mahusay sumagot at stunning ang looks.
“Oo,” ang sagot ni Shuvee at “Sabi na, eh,” ang reaksiyon ni Gerald. Kinilig ang ibang housemates ng PBB Celebrity Collab Edition para kay Shuvee dahil napansin siya ni Gerald.
Sana lang, walang mang-bash kay Shuvee at walang rason para siya ay ma-bash dahil itinanggi ni Gerald Anderson na hiwalay na sila ni Julia Barretto.
Napansin lang naman si Shuvee Etrata ng aktor at walang masamang ibig sabihin ‘yun.
Super inlabey… VINCENT, CHUBBY NOON, MACHO NA NGAYON DAHIL KAY BEA
TAMA ang hula ng mga netizens, si Vincent Co nga ang special guest sa Warehouse Sale ng The Bash Grocer organized ni Bea Alonzo and her Bash Manila Team.
Sa photos na naglabasan, magkatulong ang dalawa na nag-welcome sa mga customers na lalong nag-enjoy mag-shopping dahil nakita nila sina Bea at Vincent.
Kulay green ang venue pati shelves, at ang comment ng marami ay Puregold-inspired ang venue ng sale na okey lang siguro kay Vincent.
Ang daming mabibili sa sale na ‘yun, may fruits, veggies, fresh flowers at Bash Manila products.
Sa nakita naming photos, madalas nakatingin kay Bea si Vincent, bagay na ikinakilig ng mga fans. May nag-comment tuloy na sa tingin pa lang ni Vincent at sa ganting tingin ni Bea, obvious daw na in love ang dalawa na nagpakilig sa mga fans.
Nakakatuwa rin ang comment na kung dati, medyo chubby si Vincent, ngayon ay macho na. Inspired daw ito at in love, kaya may effort na magpa-fit. Ang dasal ng mga fans ni Bea, si Vincent na ang kanyang maging forever at sana, sa kasal mauwi ang relasyong ito.
SUPORTADO ni Sam Verzosa ang karakter ng girlfriend na si Rhian Ramos sa Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS) pati na siguro ang pagiging kontrabida ng role ng nobya.
May post si Sam ng photo nila ni Rhian na suot ng aktres ang “royal gown” niya sa Sang’gre at may caption na: “MITENA, Reyna ng Nyebe. Congratulations boo @whianramos proud of you always.”
First super kontrabida role ito ni Rhian, kaya ibinigay na raw niya ang lahat. Pero may rason kung bakit naging evil si Mitena at malalaman kapag .napanood na ang Sang’gre sa GMA-7.
Dahil mahal ng kanyang mga fans si Rhian, hindi pa man umeere ang fantaserye at hindi pa man napapanood ang kasamaan ni Mitena, may mga nagpauna na ng pagsasabing hindi nila magagawang magalit sa aktres at sa karakter nito. Ang dapat daw sisihin ay ang mga magulang ni Mitena na ginagampanan nina Wendell Ramos at Maxine Medina.
Sa tanong kung ano ang best part sa kanya sa pagganap na kontrabida, sagot ni Rhian, challenge sa kanya na intindihin si Mitena, pero dahil sa pagiging super bad nito, lalo siyang na-encourage na tanggapin ang fantaserye.
Saka, nag-enjoy din tiyak si Rhian dahil sa maraming cast ng Sang’gre, siya ang may pinakamaraming costumes. Mga pasabog ang costumes niya, gaya nitong royal gown na suot niya na hanggang bewang ang slit. Naghulaan nga kung may suot na underwear ang aktres sa mediacon.
Comments