top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Beasley ng Jazz, nanguna, Hawks, dinagit ang Raptors

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 21, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 21, 2022



Naghatid ng mga pandiin na puntos si Gilas Pilipinas member Jordan Clarkson sa last 2 minutes upang magwagi ang bisitang Utah Jazz sa Portland Trail Blazers, 118-113, sa tampok na laro sa NBA kahapon mula sa Moda Center. Dahil sa resulta, ang Jazz na ang numero unong koponan sa Western Conference at inagaw ang liderato mula sa Blazers.


Abante ang Portland, 108-107, at iyan ang hudyat para kay Clarkson na uminit simula sa isang three-points na sinundan ng three-point play para sa 113-108 lamang at 1:48 sa orasan. Hindi pa tapos si Clarkson at tumira ng isa pang buslo para lalong lumayo ang Jazz, 115-109, at 44 segundo sa orasan.


Itinala ni Clarkson ang walo ng kanyang 28 puntos sa huling dalawang minuto.


Nanguna sa Jazz si Malik Beasley na may 29 puntos habang 23 puntos at 10 rebound si Lauri Markkanen.


Sagana rin sa mga dikdikang laban simula sa 124-122 lusot ng Atlanta Hawks sa Toronto Raptors sa overtime salamat sa shoot ni AJ Griffin galing sa palobong pasa ni Trae Young kasabay sa huling busina. Malupit pa rin si Young sa kanyang 33 puntos at 12 assist habang ipinasok ni Griffin ang walo ng kanyang 17 puntos sa overtime.


Walang kabang ipinasok ni Anthony Edwards ang dalawang free throw na may apat na segundo sa orasan at itakda ang 112-109 panalo ng Minnesota Timberwolves sa Philadelphia 76ers. Nagtapos na may 25 puntos si Edwards at may pagkakataon pa ang 76ers subalit nagmintis ang tres ni Georges Niang sabay sungkit ni Rudy Gobert ng rebound.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page