Beach wedding, sa July na… MAJA, TAKOT PA RING MAG-ASAWA
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 20, 2023

Handang-handa na si Maja Salvador na gampanan ang kanyang bagong papel sa totoong buhay at ito ay ang pagiging maybahay.
Ikakasal na ngayong Hulyo si Maja sa kanyang fiancé na si Rambo Nuñez at kamakailan nga ay nagkaroon na siya ng bachelorette party o despedida de soltera na dinaluhan ng kanyang mga female friends, kabilang na ang mga kaibigan niya sa showbiz.
Aminado si Maja na bagama't excited siya sa pagpasok sa married life, may nararamdaman din siyang takot sa pagsabak sa buhay-may-asawa.
"May takot. Kasi kumbaga, ibabahagi ko siya sa bawat role na gagawin ko. This time, parang nakakatakot dahil wala nang direktor na magka-cut. Wala nang puwedeng actor's cue. Ito na 'yung totoong buhay and excited ako," pahayag ni Maja sa napanood naming video clip ng kanyang speech sa naganap na bachelorette's party niya.
Four years nang magdyowa sina Rambo at Maja. Nakatakda na silang ikasal sa Hulyo at gaganapin ito sa isang beach resort.





Comments