BEA, UMAMING MAY SAKIT KAYA TUMATABA
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 25, 2023

‘Yung pagkikita nina Bea Alonzo at Heart Evangelista sa Aivee Clinic last April 12 na ipinost ng dalawa sa kanilang Instagram page ay hindi pala natapos lang doon dahil nagtuloy pa sila sa bahay ng huli.
Sa latest vlog ni Bea ay itsinika niya ang story behind sa naging reunion nila ni Heart.
“Nu’ng papunta na ako ng Aivee, nalaman ni Heart pupunta ako, so sabi niya, magsabay na kami because we promised to each other na lagi na kaming magsasabay sa Aivee. Kasi nga, we both go to the Aivee Clinic,” kuwento ni Bea.
After daw nila sa Aivee Clinic ay nag-decide silang dumiretso sa bahay ni Heart at ang nakakatuwa ay ipinagluto pa sila ng mister ni Heart na si Sen. Chiz Escudero.
“Nagluto ng masarap na steak si Chiz,” sey ni Bea.
Nag-enjoy din daw siya with Heart’s glam team at dito niya raw mas nakilala pa ang aktres.
“I was able to get to know her more, the things that I didn’t know about her before we became friends again. So it was just really beautiful,” tsika ni Bea.
Napagkasunduan nga raw nilang pareho silang pupunta sa apartment ng isa’t isa sa ibang bansa.
“Ang dami na naming plano. Na pupunta ako ng apartment niya sa Paris. Siya naman, pupunta sa apartment ko sa Madrid. Wohhh, ang sosyal! Ang lakas maka-social climber nu’n,” sey ni Bea sabay-tawa.
Tungkol sa new friendship niya with Heart, ani Bea, “Parang familiar siya, but at the same time, she’s like a new person in my life.”
Sa nasabing vlog ay ini-reveal din ng aktres ang kanyang health issues.
“Aside from having PCOS (polycystic ovary syndrome), I recently was diagnosed with hypothyroidism so that’s the reason behind my gaining weight,” pag-amin ni Bea.
Ginagamot na raw niya ito ngayon at wish niya ay maayos na ito.
“I’m trying to address it now by working out, by dieting and taking meds for it and supplement. So wish me luck, sana matapos na siya,” sey ni Bea.
Dagdag pa niya, “So, sa mga nagsasabi diyan bakit ang taba na raw ni Bea, ‘yun po ang reason, pasensiya na kayo.”





Comments