BEA, TODO-THANK YOU SA PAGPAPALIGAYA SA KANYA NI DOMINIC
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 22, 2022

Ang sweet ng birthday greetings ni Bea Alonzo sa boyfriend na si Dominic Roque na nagdiwang ng kanyang ika-32 kaarawan last July 20.
Sa kanyang Instagram page ay nag-post si Bea ng sweet photo nila ni Dom at sa caption ay ipinahayag ang pasasalamat kay Dom for making her heart happy.
“Happy birthday, my love! I love it when you smile like this, and I’d gladly put a smile on your face every day. I’m so blessed by how kind and understanding you are. Thanks for making my heart happy. I love you,” ang caption ni Bea.
Sumagot naman si Dom at nagpasalamat sa surprise party na ibinigay sa kanya ni Bea.
“I love you hun, thank you for the surprise b-day party!” mensahe ni Dom.
Sa Instagram Stories ni Dom ay nag-post siya ng mga clips ng naganap na bonggang surprise party na dinaluhan din ng kanilang malalapit na celebrity friends.
Makikita sa mga videos na sweet na sweet sina Bea at Dom at kitang-kita rin kung gaano sila ka-happy sa isa’t isa.





Comments