top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

BEA, TODO-PARINIG KAY DOMINIC NA SA MADRID MAG-PROPOSE NG KASAL

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 15, 2023
2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | July 15, 2023



Mukhang naging maganda ang experience ni Bea Alonzo bilang isa sa mga judges ng Battle of the Judges dahil humiling na siya agad na magkaroon ng Season 2 ang tinatawag na “ultimate talent competition na mapapanood sa GMA-7.


Nabanggit ni Bea na ang isa sa mga contestants at squads na hawak niya bilang judge ay si Jay-R Siaboc, na kung naaalala ninyo ay runner-up ni Yeng Constantino sa 2006 Pinoy Dream Academy ng ABS-CBN.


Nakapag-record siya ng mga songs, nakapag-guest sa mga shows ng Kapamilya Network at lumabas pa sa ilang series, pero naudlot ang pagsikat nito at ngayon nga ay muling susubukan ang kanyang tadhana sa BOTJ.


Subaybayan natin kung mananalo siya sa kanyang muling pagsali sa isang talent competition. Isa yata si Jay-R sa mga squads ni Bea na ginagastusan niya ang airfare tuwing pupunta ng Manila para mag-taping.


Ibinuking kasi ni Boy Abunda na may pa-airfare at pa-hotel si Bea sa kanyang mga squads at ang biro pa ng aktres, sa mga ito na raw napupunta ang talent fee niya sa BOTJ.


Speaking of Bea, inamin niya na napag-uusapan na nila ng boyfriend na si Dominic Roque ang kasal dahil she’s not getting any younger daw, pero madalas, nagbibiruan lang muna sila.


“Puro pabiro ang usapang kasal at pagbuo ng pamilya. Kasi may mga trips kami na inaayos for the year. We’re going to Japan, we’re going to Madrid, and he’s coming with me to Madrid.


So, parang dyino-joke ko siya palagi na, ‘Baka doon ka pa mag-propose? Dapat alam mong maganda ako sa proposal mo.'”


Nilinaw ni Bea na nagbibiro lang siya, “These are just jokes but we always talk about the future like building a family together.”


Sa interview pa sa kanya sa Fast Talk with Boy Abunda, nabanggit ni Bea na pati ang kani-kanilang parents ay excited na sa mabubuo nilang pamilya.


“Whenever we were all together, laging ‘yun ‘yung pinag-uusapan nila. Actually, kanina, kausap ko si Mama, paulit-ulit siyang nagsasabi na, ‘So, kailan ka na magkakaanak? Kailan na? Thirty-five ka na.' Actually, ang daming pressure from outside, pero mas matindi pa rin ‘yung pressure ng pamilya.”


Ang maganda kina Bea at Dominic ay ayaw nilang magpadala sa pressure ng ibang tao dahil may sarili silang timeline.


Sa ngayon, sabi nito, “We are just loving the life together and I love my life with him.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page