BEA, PILING-PILI LANG ANG BISITA SA KASAL NILA NI DOMINIC
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 31, 2023

Nang mag-guest si Bea Alonzo sa Fast Talk with Boy Abunda, ayaw muna niyang magbigay ng detalye tungkol sa kasal nila ni Dominic Roque. Kahit siya ang namamahala-nag-aasikaso ng lahat sa wedding preparations, ayaw muna niyang ipaalam sa publiko ang detalye ng kasal.
But for sure, early next year na ito magaganap. At posibleng dito na rin sila sa ‘Pinas magpapakasal kung maraming kukuning wedding sponsors.
Excited din ang mga fans at supporters ni Bea na makita-masilip man lang ang wedding gown ng aktres at kung sino ang designer nito.
Sey naman ni Bea, isang simpleng wedding gown lang ang gusto niya. Ayaw niya ng wedding gown na maraming burloloy at sequins. Hangga’t maaari ay simpleng kasalan lang ang magaganap. Konti lang ang nasa guest list ni Bea na iimbitahan sa kasal. Si Dominic ang maraming kaibigan kaya mas marami siya sa kanyang guest list.





Comments