top of page

BEA, NAG-KOREAN LESSON SA SOBRANG ADIK SA K-DRAMAS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 22, 2023
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 22, 2023




Isa na rin si Bea Binene sa mga artistang nahihilig sa mga Korean dramas and K-pop singers/groups. Nagsimula raw ito noong kasagsagan ng pandemic na wala siyang ginagawa at nasa bahay lang.


Lagi raw siyang nanonood ng mga K-dramas at ito rin ang dahilan kung bakit nag-take siya ng Korean lessons. Nagsampol pa nga siya ng mga Korean words na natutunan niya.


Nakausap namin si Bea sa mediacon ng romance-drama series na The Rain In España na first project niya sa Viva One.


When asked kung sino ang mga favorite niyang Korean actors and singers, natatawa niyang sey, "Sasabihin nila, mahaba po ang pila."


She revealed na ang iniidolo niyang K-pop group ay ang BTS at nasa military pa raw ang kanyang bias na si Jin.



Sa Korean actor naman ay si Park Seo Joon ang kanyang bet at nanonood daw siya ng variety show na Jinny's Kitchen, kung saan kabilang ang aktor. Nagpapa-deliver pa nga raw siya ng mga Korean food na napapanood niya sa nasabing show.


Dream daw niya na makasama ang mga iniidolo niyang ito sa isang proyekto.


"Pero siyempre, dream naman. Why not, 'di ba?" sambit niya.


Anyway, back to work na nga si Bea matapos niyang lisanin ang GMA Artist Center at lumipat sa pangangalaga ng Viva Artists Agency (VAA).


Excited siya para sa seryeng The Rain In España at nag-enjoy daw siyang makatrabaho ang buong cast tulad nina Heaven Peralejo, Marco Gallo at iba pa.


"Pero nakakapanibago rin po, kasi 18 years po ako sa GMA and siyempre, kumbaga, overwhelming nu'ng una na parang nakaka-shock. Kasi siyempre, parang back to zero ako.


Siyempre, kailangang magpakilala ulit. I mean, kasi siyempre, hindi ko alam kung sino 'yung sa prod (production), ganyan, kung saan ba 'ko pupunta, kung saan ba ang office? Nu'ng una po, nakakapanibago, pero nakakatuwa po talaga," ani Bea.


Mapapanood na ang The Rain In España ngayong May 1 sa streaming platform na Viva One at mula ito sa direksiyon ni Theodore Boborol.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page