BEA, MAY-EDAD NA, MAY SAKIT PA KAYA HIRAP MAGBUNTIS
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 27, 2023

May hypothyroidism (isang kondisyon kung saan hindi nakakagawa ng sapat na thyroid hormones ang thyroid gland) pala si Bea Alonzo, kaya madali na siyang mapagod ngayon.
Ang kondisyon na ito rin ang dahilan kung bakit medyo lumulusog ang kanyang pangangatawan kahit na naka-strict diet siya. Kaya, pinayuhan siya ng kanyang mga doktor na agapan at gamutin ito kaagad.
Bilang artista, tiyak na magiging setback para kay Bea ang kanyang pagtaba, lalo na nga at isa rin siyang dramatic actress.
Hindi magiging maganda ang rehistro niya sa camera kung makikitang may double chin siya. Makaka-distract ito sa kanyang mga eksena.
At hindi lang ang hypothyroidism ang kailangang bigyan ng pansin ni Bea, dahil mayroon din siyang isa pang kondisyon na kung tawagin ay PCOS (polycystic ovary syndrome).
Sa edad ni Bea na 35 at mga health conditions na meron siya ngayon, mahihirapan na nga siyang magbuntis lalo na at na-diagnosed pa siya ng sakit na PCOS.
Sinabi na rin ng aktres sa isang interview na gustung-gusto niya sanang magkaroon ng maraming anak sa nobyong si Dominic Roque. Nakakapanghinayang naman 'pag hindi 'yun nangyari.
Pero, wala na ngang imposible sa panahon natin ngayon, lalo na at marami namang pera si Bea.
Hindi magiging problema sa kanya kapag naisipan niyang sumailalim sa IVF (In Vitro Fertilization), kung sakaling hindi na niya kaya pang magbuntis sa natural na paraan.
As of now, busy pa ang aktres sa kanyang mga showbiz commitments. May mga nakalinyang pelikula pa siyang gagawin at magsisimula na rin ang teleserye nila ni Dennis Trillo sa GMA-7.
Hopefully, bago sila magpakasal ni Dominic ay in good health and condition na si Bea para naman puwede na rin siyang bumuo ng sarili niyang pamilya.





Comments