BEA, MARAMING ANAK ANG GUSTO KAY DOMINIC
- BULGAR
- Apr 12, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | April 12, 2023

Wala naman sigurong magiging isyu sa ginawa ni Bea Alonzo na pagse-share ng kanyang blessings sa mga batang babae ng ECPAT Home na survivors ng sexual exploitation.
Maaalalang nang magbigay ng treat ang aktres sa mga Aeta na malapit sa farm niya sa Zambales, nagkaroon ng isyu at inakusahan si Bea na ginamit ang mga katutubo for publicity at content ng kanyang YouTube channel.
Anyway, ang ibig sabihin ng ECPAT ay End Child Prostitution and Trafficking at ang mga batang nasa pangangalaga ng ECPAT Home ang binisita ni Bea at binigyan ng treat.
Pasasalamat na rin ito ni Bea dahil umabot na sa 3 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.
Anyway, kinatuwaan ang pahayag ni Bea na “sayang ang lahi” kaya gusto niyang magkaroon sila ng maraming anak ni Dominic Roque kapag nag-asawa na sila.
Nabanggit ito ng aktres nang mag-guest sa vlog ni Small Laude. Pabor dito ang mga fans nina Bea at Dominic, kaya ang payo nila sa dalawa ay magpakasal na at magparami ng lahi.





Comments