top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bea, knows mo 'to? DOMINIC, UMAMING NAGING ARTISTA DAHIL KAY JUDAY

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 25, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 25, 2022




Malaki ang dapat na ipagpasalamat ni Dominic Roque kay Judy Ann Santos na BFF ng kanyang Tita Beth Tamayo. Dahil kay Juday, nagkaroon siya ng chance na makapasok sa showbiz at maging artista.


Bagets na bagets pa siya noon at sumasama-sama lang kapag may lakad si Juday. At minsang sinamahan niya si Judy Ann sa ABS-CBN ay nakita siya ng isang executive producer at sinabihang mag-audition dahil naghahanap ng artista para sa isang bagong serye.


Sinuwerte naman si Dominic na makapasa at nakasama sa bagong serye na isang taon ding tumagal.


Pero nu'ng year 2016, medyo nag-lie-low sa showbiz si Dominic at nagtayo ng sariling negosyo.


Ito muna ang kanyang tinutukan.


Marami rin siyang nakilalang Kapamilya stars. Naging kaibigan niya ang ilan sa mga ito.


Happy naman si Judy Ann sa mga achievements ni Dominic Roque na para na rin niyang pamangkin. At masaya siya na natagpuan na ng binata ang kanyang 'the one' na si Bea Alonzo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page