top of page
Faith Da Silva at Sam Verzosa - IG.jpg

Bea, kaya raw umatras sa kasal… PRENUP AGREEMENT, INAYAWAN NI DOMINIC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 6, 2024
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 6, 2024



Kung shocked man ang buong showbiz nang mag-break sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, labis na panghihinayang naman ang naramdaman ng marami sa balitang nagkakalabuan na ang engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

 

Nakatakda pa naman daw silang magpakasal ngayong September, 2024 sa Madrid, Spain. Tapos, biglang-bigla ay nagkaroon sila ng tampuhan at lumutang na ang mga problema na hindi nila inaasahan.


Ayon sa ilang showbiz observers, mukhang si Bea raw ang planong mag-back-out sa itinakda nilang pagpapakasal. 


Bagama't wala pang official statement mula kina Bea at Dominic, maraming bersiyon na ang lumulutang kung bakit hindi na matutuloy ang inaabangang “Wedding of the Year”. 


May ilang nagsasabi na ang prenup agreement mula sa kampo ni Bea ang inaayawan ni Dominic. 


Say ng ilang netizens, ang pagiging immature naman daw ni Dominic ang dahilan kaya dismayado si Bea sa kanyang fiancé. At na-realize raw ng aktres na hindi pa siya ready na magpakasal at mag-settle down at pansamantalang mag-slow down sa kanyang career. 


Inaalala rin daw ni Bea ang mga endorsements at projects na puwedeng mawala sa kanya kapag nag-asawa na siya. 


So, paano na? Magle-let go na lang ba siya kay Dominic Roque at tuluyang uurong sa kanilang kasal?


Kung tutuusin, naabot na ni Bea ang lahat ng kanyang pangarap dahil nakapagpundar na rin siya ng mga properties at stable na ang kanyang future. Billionaire na nga siya ngayon dahil kasama siya sa list ng Top 12 Celebrity High-Earners.


May sarili nang pamilya ang kanyang mga nakasabayang artista. Hindi ba siya naiinggit kina Anne Curtis, Angelica Panganiban, Iza Calzado at Maja Salvador na masaya na ngayon sa piling ng kani-kanilang sariling pamilya?



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page