top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bea, 'di raw suportado sa stage play… DOMINIC, PUMATOL SA FAN, TINAWAG NA WALANG ALAM!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 12, 2023
1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 12, 2023



Inalmahan ni Dominic Roque ang isang netizen na kumukuwestiyon sa pagmamahal niya sa girlfriend na si Bea Alonzo.


Sa latest Instagram post ng aktor ay may nagkomentong user na mas supportive pa raw si Dom sa mga friends nito kesa sa GF.


"Si Dom talaga... ever since, mas vocal ang support sa mga friends niya kesa kay Bea.


Nakakatampo! Eme. Pahingi naman kahit isang IG Story nu'ng theater play ni Bea. Post ka naman minsan ng 'di throwback. Huhu," ang sabi ng netizen.


Hindi naman ito pinalampas ni Dominic at sinagot ang commenter ng "Wala kang alam.


God bless you."


Sumagot din ang mga BeaDom fans at ipinagtanggol si Dom laban sa mga bashers.


Sabi ng isang fan, "Ano ba naman 'yan? Kung walang magandang sasabihin, tahimik na lang sana. Isa ito sa mga nagiging rason kung bakit 'di na nagpo-post ang mga artista, eh. Kung ayaw ninyo sa BeaDom, mag-unfollow na lang kayo. Kami kasi, happy sa kung ano man ang nangyayari sa dalawa ngayon.Kung may post, salamat. Pero, kung wala naman, may rason sila at karapatan nila 'yun. Wala tayong alam sa personal na buhay nila. Hindi kung anu-ano ang iniisip n'yo. TB (throwback) man o bago, nag-like man o hindi, masaya kami sa BeaDom.


Huwag kasi puro negative ang isipin at 'wag ding judgmental. Don't forget, life is BEAutiful.


God bless, everyone."


Nagpasalamat naman si Dom sa mga supporters ng relasyon nila ni Bea na ipinagtanggol siya laban sa mga mapanghusga.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page