BEA, 'DI MAKALIMUTAN ANG IPINATIKIM SA KANYA NI JAKE
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | July 25, 2022

“NA-IN LOVE ka ba sa akin?”
Ito ang tanong ni Bea Alonzo sa kanyang special guest na si Jake Cuenca para sa legit lie detector test episode ng kanyang vlog na kaa-upload lang sa kanyang YouTube channel nitong Sabado.
Nahiyang sagot ng aktor, “Wow! (napayuko na lang) Yeah.”
Thumbs-up ang naging sagot ng polygraph expert na si Claire ng Eye Spy na ginagamit ng mga government agencies.
Hindi pala naging magdyowa sina Bea at Jake base sa tanong ng dalaga na "Do you think it was a good decision that we decided to be just friends during the time na nag-date tayo before?"
“At that time, no!” sagot ng aktor pero thumbs down ang sagot ng polygraph expert na ibig sabihin ay nag-lie siya.
Mula noong bata-bata pa at hanggang ngayon ay umaakyat pa rin ng ligaw si Jake at inamin niya ito, “Yes and I still am,” at thumbs-up naman ang score niya.
At dito na ikinuwento ni Bea na ipina-experience sa kanya ni Jake ang prom night na hindi niya naranasan noong high school days niya.
“Kuwento ko lang, tutal past naman na ito. Hindi kasi ako nag-prom, so nu’ng nagde-date kami ni Jake, dinala niya ako sa isang restaurant sa Katipunan.
“Sinurprise niya ako kasi masyado siyang ma-gesture na guy. Pagdating namin sa Ninyo (Fusion Cuisine along Esteban Abada), ayaw magbukas ng gate. So, ang ginawa niya, nagpaka-action star, umakyat siya sa gate, eh, mataas ‘yung gate at binuksan niya.
“Ipinasarado pala niya ‘yung restaurant, ang daming mga flowers, tapos nag-dance-dance pa kami, ganu’n. Ganu’n siya ka-sweet na manliligaw,” masayang alaala ng dalaga.
Nakangiting sabi ng aktor, “Thank you.”
Hirit pa ni Bea, “Kaya talagang he’s really a good catch.”
Samantala, umamin si Jake na nakaranas na siyang ma-friendzone pero never niya itong ginawa kaninuman at thumbs-up ang score niya.
Sabi niya, “I’m just clear with my intentions.”
Ang tanong ni Bea, “Do you still want to get back with an ex-girlfriend?”
“I haven’t. I’ve not done that but (nahirapang sumagot), yeah,” saad ng binata at thumbs-up ulit ang sabi ng polygraph expert.
“Hmmm naiiyak ako,” sambit naman ni Bea.
Sabi ng aktor, hindi siya selosong boyfriend pero thumbs down naman ang nakuha niyang score sabay tawa nilang dalawa ni Bea.
Next question, "Have you ever caused someone’s heart break?" at "Yes" ang sagot ni Jake.
Sa tanong na, “Are you ready to give up your career for the sake of your love life?" ay “One day?
Yes!” ang sagot ni Jake at thumbs-up ang score ng aktor.
Pero sa kasalukuyan ay hindi pa handang mag-asawa si Jake dahil gusto niyang paghandaan ang pagkakaroon niya ng pamilya.





Comments