BEA, BUMILI RAW NG P120K NA ALAK SA FRANCE, MADIR NA-HIGHBLOOD
ni Nitz Miralles - @Bida | November 25, 2022

Malapit na ang finale ng Start-Up PH, kaya kung napapansin ng mga sumusubaybay sa series, sunud-sunod na ang revelation dito.
Sa mga interviews kay Bea Alonzo, excited ito sa big reveal kung saan malalaman na niya na si Tristan (Alden Richards) ang pen pal niya noong bata pa siya at hindi si Dave (Jeric Gonzales).
Kuwento ni Bea, “Ang tagal kinunan ng eksenang ‘yun, may rain effect pa. Isa ‘yun sa pinakamagandang eksena, kaya panoorin ninyo” at sinegundahan ni Alden ang sinabi ni Bea.
Madrama raw ang eksena nina Tristan at Dani (Bea).

Samantala, ang hilig palang i-prank ni Bea ang kanyang ina at ang latest prank na ginawa niya sa kanyang Mommy Mary Anne na napanood sa kanyang vlog, habang nasa bakasyon sila sa France ay bumili siya ng wine at ipinakita sa ina ang fake receipt.
Nagulat ang mom ni Bea nang malamang 2000 Euro ang presyo ng wine at agad nag-compute. Kunwari, hindi naniwala si Bea na 2000 Euro ang presyo ng wine.
“P120,000! Oo, ayan, oh, 2,000 Euro ‘to, Angelie!” galit na reaction ni Mary Anne.
Kahit sinabi ni Bea na iinumin niya ang wine, galit pa rin ang mom niya.
“Oh my, God, Bea Alonzo, iuwi mo sa Pilipinas 'yun tapos iinumin mo, P120,000?”
Napayapa lang si Mary Ann nang aminin ni Bea na fake ang receipt at prank lang ang ginawa niya sa mom niya.
“Na-high blood ako. Nagpa-demure pa ako kasi ang daming mga foreigners, nakita ko sa resibo 2,000 Euro, ibig sabihin 120,000 sa peso isang alak! Diyos ko, baka ilampaso ko si Bea Alonzo sa mga grabang ‘to,” nagbibirong reaction ni Mary Ann.





Comments