top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Bea Bell tatakbo sa PHILRACOM 2nd Leg

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 16, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 16, 2023


Babanat na naman sa pista si Bea Bell para tumakbo sa 2023 PHILRACOM 2nd Leg Juvenile Stakes Race na ilalarga sa darating na Linggo (Oct. 22) sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas.


Bumida sa nakaraang laban si Bea Bell matapos magwagi sa 2-Year-Old Maiden Stakes Race at hinangaan siya ng mga karerista dahil sa ipinakitang performance.


Subalit tiyak na mapapalaban si Bea Bell sapagkat mas magagaling ang kanyang makakatapat sa distansiyang 1,400 meter race na nakalaan ang guaranteed prize na P1.8M.


Si Bea Bell ay pag-aari ng mag-amang sina Elmer De Leon at volleyball star player ng Choco Mucho Bea De Leon, kasama ng kanilang pambato bilang couple entry ay ang Cassandra Bell.


Masusubukan ang husay ng magkakamping Bea Bell at Cassandra Bell kontra kina Amor My Love, Ghost, Heartening To See, Mae Bell, Masunaga, Mommy's Love, Morning After at Over Azooming.


Hahamigin ng mananalong kabayo ang P1,080,000, mapupunta sa second placer ang P360,000, habang tig- P180,000, P90,000, P54,000 at P36,000 ang third hanggang sixth ayon sa pagkakahilera.


Magbubulsa rin ng P90,000 ang breeder ng winning horse habang P54,000 at P36,000 ang iuuwi ng second at third sa karera na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Komento ng mga karerista, mapapalaban ng todo si Bea Bell, malalaman nila kung hanggang saan ang tikas ng batang kabayo.


Posibleng magpakitang gilas sa karera ay ang magka-kuwadrang Amor My Love at Mommy's Love, Mae Bell at Ghost.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page