Bea Bell at Cassandra Bell magtatrangkuhan sa 2-YO
- BULGAR
- Oct 4, 2023
- 1 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 04, 2023
Magtutulungan sina Bea Bell at Cassandra Bell pagsabak nila sa 2023 PHILRACOM 2-Year-Old Maiden Dtakes Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas sa darating na Linggo.
Makakatagisan ng bilis ng Bea Bell at Cassandra Bell ang walong tigasing kalahok sa distansiyang 1,400 meter race kung saan nakataya ang P1.2-M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa finish line.
Susungkitin ng mananalong kabayo ang P720,000, ang ibang kasali ay sina Bill Jordan, Dazzlingab, Marvelous Marvin, Masunaga, Over Azooming, She's Royal, Spolarium at Swasdi Khaa.
Gagabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Hernandez ang Bea Bell habang si Jonathan Flores naman ang rerenda sa Cassandra Bell.
Makakatanggap ng P240,000 ang second placer, mapupunta ang P120,000 sa pangatlo habang tig- P60,000, P36,000 at P24,000 ang 4th hanggang 6th ayon sa pagkakasunod.
May ibubulsa rin ang breeder ng winning horse na P60,000 habang tig-P36,000 at P24,000 ang second at third sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.
Pakakawalan din sa Linggo ang bakbakan ng 11 kabayo sa PHILRACOM-PCSO 3-Year-Old Locally Bred Grand Derby na gaganapin sa parehong lugar.
Ayon sa mga karerista, posibleng mapahirapan sila sa pagpili ng kanilang tatayaan dahil mga batang kabayo ang tatakbo.





Comments