top of page
WINNER - MOCHA, NAGSALITA NA SA KALAT NANG NABUNTIS NI SEN. ROBIN-IG _mochauson & _robinpa

BEA AT VINCENT, TODO-ENJOY SA HONEYMOON SA ITALY

Writer: BULGAR
BULGAR
31 minutes ago
3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 9, 2026



TEKA NGA  - BEA AT VINCENT, TODO-ENJOY SA HONEYMOON SA ITALY-IG _beaalonzo

Photo: IG _beaalonzo



Finally, nagkaroon din ng panahon sina Bea Alonzo at Vincent Co para sa kanilang much-delayed honeymoon. 


Sa Europe sila nagbakasyon at todo-pictorial ang aktres habang namamasyal sa magagandang lugar sa Italy. Dito sila nagkaroon ng privacy at malayang nakakakilos na walang kamerang nakatutok.


Ang pansin lang ng mga netizens sa mga uploaded photos ni Bea ay hindi sila magkasama ni Vincent. Mukhang naging personal photographer ng aktres ang kanyang mister. Hindi kaya si Vincent mismo ay nahihiyang magpakuha ng larawan?


Anyway, maraming pagbabago ang magaganap sa buhay ni Bea ngayong kasal na siya kay Vincent Co, lalo na sa aspeto ng pananalapi. 


Mahusay na businessman ang mister niya at siguradong maingat sa paggastos ang mga Chinese. Hindi na magagawa ni Bea ang mag-shopping nang mag-shopping, na tulad ng nakasanayan niya. Kailangan pa siguro niyang ikonsulta kay Vincent kung may gusto siyang bilhin na malaki ang halaga.


Ganunpaman, makakabuti naman para kay Bea kapag ang tumayong financial adviser niya ay ang kanyang mister na si Vincent. At maging sa mga negosyo niya ay matutulungan din siya nito dahil sanay na sanay na ito sa pamamalakad ng kanilang family business.





Kahit naiipit sa tampuhan ng mga BFF… 

ANGELICA, WALANG KINAKAMPIHAN KINA KIM AT BELA



NAIIPIT si Angelica Panganiban sa pagitan nina Kim Chiu at Bela Padilla. Silang tatlo ang orig na magkakaibigan at bumuo ng samahang AngBeKi (Angelica, Bela at Kim). 


Nagdadamayan sila noon sa mga pagsubok na kanilang pinagdaanan sa buhay. Open sila sa isa’t isa at nagse-share ng kanilang mga sikreto at personal na problema.


Pero sinubok ang tatag ng kanilang pagkakaibigan nang magkatampuhan sina Kim at Bela. May sikreto raw na nabunyag, kaya nagtampo si Kim. ‘Yun ang dahilan kaya sumama ang loob niya kay Bela.


Samantala, wala namang kinakampihan sa dalawa si Angelica, nasa gitna lang siya at tinitimbang ang parehong panig. 


Umaasa si Angelica na magkakaayos at magkakabati rin sina Kim at Bela.


Well, marami naman ang nanghihinayang dahil matagal nang magkakaibigan sina Angelica, Bela at Kim. Ipinagdarasal ni Angelica na maayos na ang tampuhan at hindi pagkakaunawaan, upang muling bumalik ang dating samahan ng AngBeKi.





Todo-displey dahil super cute… ALEX, ‘DI IPINAGKAIT SA FANS ANG ANAK NILA NI MIKEE



Hindi lang ang pamilyang Gonzaga at Morada ang natutuwa ngayong natupad na ang pangarap ni Alex Gonzaga na maging mommy. Nagsilang kasi siya ng isang super cute at malusog na baby boy, na kamukha ng aktres-vlogger. Araw-araw ay masayang pinagmamasdan at kinakarga ng mag-asawa ang kanilang baby. Hindi siya makapaniwala na isa na siyang ganap na ina.


Hindi maipaliwanag ni Alex ang kanyang labis na tuwa sa katuparan ng kanyang dasal.

Sadyang mapalad ang baby nila ni Mikee Morada dahil maraming nagdasal para sila ay biyayaan ng kanilang ‘little angel’.


Ilang taon din silang sinubok ng panahon at naghintay upang bigyan sila ng anak.


Ngayon, kumpleto na ang kaligayahan ng kanilang pamilya. 


Kaya naman, hindi ipinagkait nina Alex at Mikee ang kanilang baby boy na masilayan ng publiko. At marami ang patuloy na nagdarasal para sa magandang kalusugan ng kanilang anak.





Walang gustong tumulong… ANJO, INIWAN SA ERE NG MGA KAIBIGAN DAHIL SA TVJ



PROBLEMADO ngayon si Anjo Yllana kung saan kukuha ng P3.5 million bilang kabayaran sa danyos niya sa paninirang ginawa laban sa TVJ (Tito Sotto, Vic Sotto & Joey de Leon). 


Desidido na ang TVJ na kasuhan si Anjo upang bigyan ng leksiyon. Seryoso at hindi biro ang mga isyu na ibinunyag nito laban sa TVJ. At mukhang walang sinuman ang gusto siyang tulungan sa kanyang problemang kinakaharap ngayon.


Maging ang mga dati niyang kaibigan ay ayaw makialam upang makiusap sa TVJ na iurong ang kaso laban sa kanya. Marami ang hindi sang-ayon sa ginawa niyang paninira sa mga dati niyang nakasama sa Eat… Bulaga! (EB!). 


Hindi raw pinahalagahan ni Anjo ang kanilang pagkakaibigan, kaya mukhang wala na siyang aasahang kapatawaran sa TVJ. 


Maging sa kanyang career ay mahihirapan na ring makabalik pa si Anjo dahil siya na rin mismo ang sumira sa kanyang pangalan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page