top of page
Search
  • BULGAR

BDO Network Bank, kasama ng mga ‘minigosyante’ sa pagbangon

ni Fely Ng - @Bulgarific | May 09, 2021




Hello, Bulgarians! Napakaraming kompanya ang nagsara ngayong panahon ng pandemya, kaya nakatutuwang malaman na mayroong mga institusyon na handang tumulong, lalo na sa maliit na negosyante. Ang BDO Network Bank ay financial institution na may mga produkto at serbisyong tumutulong sa mga teachers at micro and small entrepreneurs (MSME) na matugunan ang kanilang pangangailangan at suportahan ang mga negosyong nasimulan.

May pag-asa pa bang makabangon ang mga ‘minigosyante’ o may-ari ng maliliit na negosyo sa gitna ng nararanasang pandemya? Ang kanilang simpleng sagot ay oo.


Ayon sa BDO Network Bank (BDONB) isa sila sa mga financial institutions na tumutulong sa mga tinatawag na micro and small entrepreneurs (MSME) na muling makabangon at maipagpatuloy ang negosyong nasimulan. At sa pamamagitan ng MSME Loan ng BDONB, mabibigyan ng dagdag-puhunan ang maliit na negosyo, na may kaakibat na magaan na singil sa pagbabayad nito.


“Nais namin bigyang-atensiyon ang maliit na negosyante at makitang lumago muli ang kanilang negosyo. Ang pag-unlad ng mga MSMEs ay malaking tulong sa ekonomiya ng bansa,” paliwanag ni Jesus Antonio S. Itchon, president ng BDONB.


Bukod sa mga MSMEs, may financial solution din ang BDONB para sa mga guro sa pamamagitan ng produkto nitong Salary Loan. Ayon kay Itchon, maraming natutuwa katulad ng isang guro mula sa Mindanao ay pinuntahan ng BDONB account officer sa kanilang lugar upang makapag-apply ng kinakailangang halaga. Hindi na kinailangan ng guro na bumiyahe at pumunta sa bangko dahil dito.


“Una sa aming listahan ang maging ka-partner sa pag asenso ng kabuhayan at masuportahan ang financial needs ng ating komunidad. Kaya naman, patuloy ang pagbubukas ng mga BDONB branches at loan offices sa buong Pilipinas para suportahan ang pangangailangan ng mga customers at upang makasabay sila sa unti-unting pagbangon ng ekonomiya,” dagdag ni Itchon.


Ang BDONB ay ang rural bank subsidiary ng BDO Unibank. Ang linyang “Sama-sama Tayo” ang pangakong ipinatutupad ng BDONB sa lahat ng mga customers sa tulong ng mga produkto at serbisyo nito.


Para malaman kung anong financial solution ang nababagay sa iyong pangangailangan, bisitahin lang ang BDO Network Bank PH Facebook page (fb.com/BDONetworkBankPH), BDONB website (bdonetworkbank.com.ph) o pumunta sa pinakamalapit na BDONB branch.

 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page