top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

BBM, 'wag umasa sa kampanya ng Garcia clan sa Cebu

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 28, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 28, 2021


SANA TOTOONG SINUMAN ANG MANALONG PANGULO AY SUSUPORTAHAN NG TROPANG DUTERTE PARA MATIGIL NA ANG BANGAYAN SA PULITIKA—Sabi ng Malacañang ay susuportahan ng tropang Duterte ang sinuman ang next president ng bansa.


Sana nga, upang matigil na ang bangayan sa pulitika.


Ang problem sa Pilipinas, kapag may presidential election, kauupo pa lang ng nanalong pangulo ay sinasalubong agad ng batikos ng nakaraang administrasyon, period!


◘◘◘



DATING MAGKAKAALYADONG PARTIDO, MAGKALABAN NA NGAYON—Matapos magsanib-puwersa ang apat na partido, ang Lakas-CMD, Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Hugpong ng Pagbabago (HNP) at Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) para suportahan ang Bongbong Marcos-Sara Duterte ay nagpahayag naman ang PDP-Laban na susuportahan nila ang kandidatura ni Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) presidential candidate Bong Go.


Noon, ang magkakapartidong ‘yan ay magkakaalyado, pero ngayon ay magkakalaban na, kaya’t ang tanong: sino sa manok ng mga partidong ‘yan ang magwawagi sa halalang 2022? Abangan!


◘◘◘



KAPAG OPOSISYON ANG NANALO, TIYAK NA MAGSISISIHAN ANG MAGKAKAALYADONG PRO-ADMINISTRATION PARTY—Dahil ang dating magkakaalyadong political party ay magkakalaban na ngayon ay hati-hati na ang boto ng kanilang mga tagasuporta.


Ang problema lang nila ay kapag mula sa oposisyon ang nagwagi sa Presidential election kasi kapag nangyari ‘yan, tiyak na magsisi sila kung bakit hindi iisang kandidato ang kanilang sinuportahan na dahil nagkani-kanya sila, kaya pagkatalo tuloy ang inabot nila, boom!


◘◘◘



KAPAG NATALO PA SI MAYOR SARA SA VP RACE KAHIT DALAWANG PRESIDENTIABLES ANG NANGANGAMPANYA SA KANYA, IBIG SABIHIN AY AYAW NA NG MAJORITY PINOY SA MGA DUTERTE—Ang masuwerte sa mga kandidato ay si Presidential daughter Mayor Sara Duterte.


Dalawang presidential candidates kasi — sina former Sen. Bongbong Marcos at Sen. Bong Go ang sumusuporta sa kanyang laban sa vice-presidential race.


At kung sakaling hindi siya palarin sa VP race kahit suportado siya nina Bongbong at Bong Go, ay malas na lang niya, at nangangahulugan ‘yan na ayaw na ng majority Pinoy na may manungkulang Duterte sa national position, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page