top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

BBM, masyadong malakas kaya sanib-pwersa ang mga kalaban

BULGAR
Oct 16, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | October 16, 2021


Masyadong malakas si dating Sen. Bongbong Marcos kaya’t kailangan magsanib-puwersa ng kanilang mga kalaban.


Kung ngayon ang eleksiyon, walang duda, panalo ang anak ni Madame Meldy!


◘◘◘


TANGING ang puwersa ni Marcos ang “reference point”.


Hindi pa nagpe-peak si Marcos dahil wala pang kompirmasyon ng suporta mula sa kampo ng Pamilya Duterte!


◘◘◘


SA totoo lang, taktika rin ng grupo ni VP Leni na ilarawan sa publiko na ang maglalaban sa finish line ay sina Marcos at Leni Robredo lamang.


Ibig sabihin, gustong madanyo o maisahan ni VP Leni si Mayor Isko Moreno bilang pinakamatinding karibal ni Marcos sa presidential derby!


◘◘◘


ANG lahat ngayon ay nakapokus kay Bongbong Marcos, ‘yan man ay kampo nina VP Leni, Isko, Pacman, “Ping” o kahit pa si “Bato”.


Meaning, kopo agad ni Marcos ang kalahati ng boto!


◘◘◘


MAY narinig o nabasa ba kayo na ang magrerematehan sa Malacañang ay tanging sina Moreno at Robredo lang?


Walang ganyang senaryo!


◘◘◘


MAY magsasabi pa na ang 2022 presidential fight ay sa pagitan lang nina Moreno at Lacson?


Wala ring ganyan!


◘◘◘


MAY nabasa ba kayo na ang Malacañang ay pag-aawayan lang nina VP Leni at Lacson?


Walang-walang ganyan!


◘◘◘


MASAKIT pakinggan, walang nagsasabi na serious contender sa Malacañang si Gen. Bato.


Ibig sabihin, imposibleng maglaban sa Malacañang ay sina Bato at Bongbong!


◘◘◘


NGAYON pa lamang ay malinaw na malinaw na ang kartada ng mga baraha.

Tanging si Marcos lang ang kandidatong makakalaban ng sinumang magtatangka sa Malacañang.


Kumbaga, sinumang nais makadikit sa Malacañang ay kailangan munang dumaan sa serye ng “knockdown system”!


◘◘◘


SA maniwala kayo o hindi, waiting sa finals si Marcos.


Sinumang serious contender — at daraan sa maselang elimination process!


◘◘◘


MAGKAKASYA bilang simpleng miron si Gen. Bato.


Sina Lacson at Pacquiao ay hihintayin kung sino ang aangat o babagsak kina Mayor Isko at VP Leni!


◘◘◘


HIHINTAYIN din kung sino ang matatag si Lacson ba o si Pacquiao?

Ang survivor kina VP Leni at Mayor Isko — ay haharap sa winner kina Pacquaio at Lacson.


Kung sino ang magwagi sa dalawang set ng mga contenders, siya ang makakaharap ni Marcos sa rematehan sa Mayo 2022!


◘◘◘


LLAMADO si Marcos, pero hindi lahat ng llamado ay nagwawagi sa finals, minsan ay ikinatatalo ng llamado ang pagiging masyadong paborito.


‘Yan mismo ang naranasan ni Marcos nang hindi makaupo bilang vice-president.


Humina ang puwersa dahil sa “inner pressure” ng pagiging masyadong llamado!


◘◘◘


NARARANASAN na ulit ni Marcos ang masyadong paborito, pero hindi ito nakakatuwa.

Bakit?


Sapagkat, kapag masyado maaaga siya nag-peak, napakahirap mai-maintain ito.


Maaaring masilat muli siya tulad sa naranasan niya nang huli siyang kumandidato!


◘◘◘


ANG pressure sa loob ng inner circle ay karaniwang nararamdaman ng mga llamadong kandidato.


Aktuwal na halimbawa dito — ay ang intriga, away-away, inggitan at power play sa loob mismo ng kampo.


Malaking boto at nakakademoralisa ang “inner conflict” sa loob ng kampo.


Madalas maranasan yan ng “inner circle” ni Marcos, pero tulad ng malusog na tao na may “mataas na kolesterol” — hindi pinapansin ito hangga’t ma-stroke o maatake sa puso!


◘◘◘


MAAARING masilat si Marcos sa Mayo 2022, hindi dahil mahina siya, bagkus ay dahil sa “sobra-sobrang llamado” siya.


Hindi ‘yan espekulasyon o personal, bagkus ay napakateknikal at siyentipikong pag-analisa!


◘◘◘


SA madaling salita, walang sure o walang nakatitiyak ng resulta sa Mayo.


Ang prinsipyo pa rin ay magbuo ng core group na may malawak na karanasan at may malalim na pang-unawa sa proseso ng pulitika sa bansa.


‘Yan ay maselang paghamon kay Marcos.


Hindi siya nakatitiyak na magwawagi kahit siya ay llamado — lalo na’t napakaaga niyang magpi-peak!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page