top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

BBM at Sara ang manok… HIRIT NI AIKO: TIGILAN NA ANG BATUHAN NG PUTIK

BULGAR
Mar 23, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | March 23, 2022



Now it can be told na sina dating Senador Bongbong Marcos, Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang ineendorso ng aktres at kumakandidatong konsehal ng District 5 ng Quezon City na si Aiko Melendez bilang pangulo at pangalawang pangulo ng bansa sa May 9 elections.


Sa kanyang Facebook account ngayong Martes ay ipinost ni Aiko ang larawan nina BBM at Sara.


Ang caption ni Aiko, “Ako po ay isang artista at naniniwala at sumusuporta sa susunod na pangulo ng ating Republika ng Pilipinas. At ako din po ay naniniwala sa kakayahan ng kanyang bise-presidente.


“Noon pa mang mayor pa si Inday Sara, ako ay isang tagahanga. Katunayan, ang pangarap ko ay ma-meet s’ya nang personal. May kani-kanyang opinion po tayo at pananaw sa mga nais nating suportahan at inirerespeto ko rin ang mga ibang kapwa ko artista sa nais nilang maging Bet sa 2 of the highest position sa ating bansa. Hawak ko sa aking puso ang paniniwala na sila ang karapat-dapat na manungkulan @bongbongmarcos @indaysaraduterte.


“Hindi ko na rin kailangan pa ang mamuna sa kakulangan ng ibang kandidato. Dahil sapat na sa akin na ipakita ang aking buong suporta, BBM at SARA.


“At sapat na rin sa akin na ang mga kandidato ko ay walang galit sa kanilang mga puso at 'yan ang gagawin kong inspiration sa aking muling pagsabak sa public service.


“Hindi natin kailangan ang magbatuhan ng putik sa ating mga kapwa. Naniniwala pa rin ako, may karapatan tayong lahat mamuna pero hindi natin kailangang mamuna sa isang bagay na 'di pa naman napapatunayan. All The Way #BBMSARA 2022.”


Wala naman kaming nabasang negatibong reaksiyon mula sa mga followers ni Aiko sa pinili niyang iendorso at sa katunayan, almost 700 shares na agad halos dalawang oras pa lang matapos niya itong i-post.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page