top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bayaran daw ng pulitiko, napahamak... LOLIT KAY AI AI: GAMITIN ANG UTAK!

BULGAR
Jun 13, 2022
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 13, 2022



Nakatikim ng pagtalak si Ai Ai delas Alas mula sa veteran showbiz writer-talent manager na si Lolit Solis kaugnay ng pagkakadeklara sa kanya bilang ‘persona non grata’ sa Quezon City.


Ayon kay ‘Nay Lolit, self-destruction ang ginawa ni Ai Ai at maling-mali raw ito na dahil lang sa pangangampanya sa isang kandidato ay pinersonal ang pag-atake sa kalaban.


“Hayan ang sinasabi ko, Salve, na dapat, kahit binayaran ka para ikampanya ang isang kandidato, dapat maingat ka at tingnan mo ang magiging resulta nito ng pang-mahabang panahon.


“Like in the case ni Ai Ai delas Alas, puwede niyang ikampanya ang kandidato niya nang hindi magiging very personal ang atake sa kalaban.


“Parang self-destructing na dahil lang sa ibinayad sa iyo, forever nang tatak ang kabastusan na ginawa mo. Naging persona non grata pa siya ng QC dahil pati ang seal ng lungsod, hindi niya iginalang.


“Dapat isipin mo na meron after effect ang ginagawa mo na baka maging dahilan ng mas malaking damage para sa iyo. Magkano ba ang ibinayad, masyado bang malaki para talikuran mo na ang lahat-lahat pati pakikisama?” litanya ni ‘Nay Lolit.


Payo niya pa kay Comedy Queen, dapat daw ay gamitin ang utak.


“Sayang, lalo pa nga at sa ganitong panahon, mas marami kang friends, the better. Hay naku, isip-isip kasi, gamitin ang utak,” mensahe ni ‘Nay Lolit kay Ai Ai.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page