Bayad, puwede installment... Walang putol-kuryente — ERC
- BULGAR

- 36 minutes ago
- 1 min read
ni BRT @News | May 6, 2026

Photo: Raffy Tulfo - FB
Iniutos ng Energy Regulatory Commission (ERC) na payagan ang installment na pagbabayad sa bill sa kuryente ng ilan at ang pagsuspinde sa pagputol sa linya ng kuryente.
Ang nasabing kautusan ay para sa mga residential at non-residential consumer na hindi nakabayad ng kuryente sa billing period mula May 2026 hanggang July 2026.
Papayagan din ang utay-utay na pagbabayad kung ang konsumo ay hindi lalagpas sa 200kWh kada buwan.
Hanggang tatlong buwan naman ang installment ang papayagan.




Comments