Bayad daw kaya pumayag… SANYA, NAGPA-SELFIE KAY VP SARA, DUROG SA NETIZENS
- BULGAR

- Jun 10
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | June 10, 2025
Photo: Sanya Lopez at VP Sara Duterte - Instagram
Pinag-initan ng mga netizens ang picture ng aktres na si Sanya Lopez kasama si Vice-President Sara Duterte.
Binatikos si Sanya pati na ang kanyang bagong single na Hot Maria Clara (HMC) dahil sa nag-viral na photo niya with VP Sara.
Nag-number two kasi sa Spotify PH ang HMC, ang kanyang first ever single sa GMA Music na inilunsad 3 years ago.
Caption ng netizen sa picture ni Sanya with VP Sara sa X (dating Twitter) kahapon, “Paanong hindi magiging hot Maria Clara, eh, sumasama sa mga taga-impiyerno?”
Dinepensahan naman si Sanya ng kanyang mga fans and followers sa social media.
“Nagpa-picture lang (grimacing face emoji).”
“Sus, pati na naman pagpapakuha ng picture ni Sanya, papatulan ninyo? Hahaha!
Ganyan na ba kababa IQ ninyo? Hahahaha!”
“This is paid, and you would do it too for a check! Davaoeños chose her to be there, not her! Let her do her gig.”
“Girl, that was the peak of First Yaya/Lady and AFTER the election. She was the top pick of Davaoeños to grace the inaugural. It’s just the same as any celebs who are PAID to work to entertain in those parties. Ask Meme Vice.”
Pansin ng mga supporters ni Sanya, may gusto lang siraan ang Kapuso star dahil palung-palo ang kanyang HMC na composed by Direk Njel de Mesa, na siya ring nagdirek ng music video ng kanta.
Ale, ah, ganu’n na nga!
FEMALE CELEB, MAS PINILI ANG CAREER ABROAD KAYA HIWALAY NA SILA NG MISTER
BLIND ITEM:
IBA-IBA ang natanggap naming reaksiyon mula sa ilang showbiz insiders tungkol sa blind item namin sa isang sikat na female celebrity (FC) at sa kanyang non-showbiz husband (NSH).
Lumabas kasi sa socmed (social media) ang tsikang hiwalay na sina FC at NSH. Although, open secret na pala sa circle of friends ng magdyowa ang kinahinatnan ng relasyon nila.
Matagal na raw hiwalay sina FC at NSH na nanirahan sa ibang bansa.
In demand si FC abroad, kaya okey lang sa kanya na roon na manirahan. While si NSH ay may tsikang nananatili pa ring nakatira sa Pilipinas, sa bandang South. Mas type raw kasi nito ang buhay sa Pilipinas kesa sa ibang bansa, bagama’t nabalita noon na businessman abroad si NSH, kaya marami ang napaniwala na bagay siya kay FC.
Sabi ng source namin, “Tahimik si FC, kaya walang balita sa new single life n’ya.”
Tsika pa sa amin, marami raw makukuha si NSH kapag naghatian sila ng conjugal properties (or baka naghatian na nga).
May business daw dati si NSH na parang digital production, pero wala nang balita ngayon. Baka raw nag-flopchina (talo) ‘yung business ni NSH. Kasi kung bongga ito, mababalitaan natin na dumami ang projects.
Basta lagi raw playing golf si NSH sa kilalang subdivision na malapit sa dating bahay ni FC.
Samantala, hindi masagot ng source namin kung may prenup agreement sina FC at NSH. Pero kahit hatian pa ng yaman ni FC si NSH, hindi naman ito malaking kawalan sa sikat na female celeb.
Non-stop kasi ang bayad sa kanya every time ginagamit ang kanyang mga artworks. And in dollars, huh?!










Comments