top of page
WINNER - NETIZENS KAY PANELO KAWAWANG ‘PINAS!-IG _salvador.panelo & FB Robin Padilla.jpg

Bawi-passport sa 'di nagsusustento ng anak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 9
  • 1 min read

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | May 9, 2026



US Department of State - SC


Sisimulan ng US State Department na i-revoke o bawiin ang pasaporte ng mga Amerikanong may malalaking hindi nababayarang child support o sustento sa anak.


Sakop nito ang mga magulang na may utang na lampas sa $2,500 (humigit-kumulang ₱140,000), bagama’t pangunahing tututukan ang may “malalaking” atraso. Layunin ng hakbang na paigtingin ang pagsunod sa batas at tiyakin ang obligasyon ng mga magulang sa kanilang mga anak.


Hinihikayat ang mga apektado na agad ayusin ang kanilang bayarin sa tamang ahensya upang maiwasan ang pagkansela ng pasaporte. Kapag nakansela, hindi na ito magagamit sa paglalakbay at hindi rin makakakuha ng bagong pasaporte hangga’t hindi nababayaran ang utang.


Pinapayagan ang ganitong hakbang sa ilalim ng isang batas sa Estados Unidos na ipinatupad noong 1996, ngunit bihira itong gamitin noon. Sa bagong polisiya, makikipagtulungan ang State Department sa Department of Health and Human Services para tukuyin ang may mga atraso.


Wala pang tiyak na petsa ng implementasyon, ngunit inaasahang magsisimula ito sa lalong madaling panahon. Ang mga nasa labas ng US na maaapektuhan ay kailangang pumunta sa embahada o konsulado para sa emergency travel document upang makabalik sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page