Bawas ₱0.07 sa singil ng kuryente sa Metro Cebu

by BRO @News | September 29, 2026

Photo: File / Visayan Electric
Bawas ng ₱0.07 kada kilowatt-hour (kWh) ang singil ng Visayan Electric sa mga residential consumer sa Metro Cebu at karatig lugar ngayong Setyembre.
Mula ₱14.96 kada kWh noong Agosto, magiging ₱14.89 na lang ang overall rate ngayong buwan.
Ayon sa Visayan Electric, naiwasan ang mas malaking dagdag-singil dahil sa pakikipagkasundo sa IEMOP na ipagpaliban ang ilang charges at sa bagong price cap ng Energy Regulatory Commission (ERC) para sa Visayas.
Samantala, isinusulong ni Sen. Jinggoy Estrada ang panukalang batas na tuluyang mag-aalis sa system loss charges na ipinapasa ngayon sa mga consumer.
Layunin nitong hindi na pasanin ng mga kabahayan ang gastos sa kuryenteng nawawala dahil sa technical losses, meter tampering at iba pang dahilan.





Comments