top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Bawal uli ang audience sa PBA?

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 3, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | January 03, 2022




Nakatakdang makipagpulong ang pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Inter Agency Task Force, Games and Amusement Board (GAB) at Local Government Units (LGUs) hinggil sa magiging kahihinatnan ng mga susunod na mga laro matapos mailagay muli sa Alert Level 3 ang buong NCR kasunod ng panibagong pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.


Inihayag ni PBA Commissioner Willie Marcial na wala pang malinaw na kasagutan sa magiging senaryo at plano ng pagpapatuloy ng elimination round ng PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum dahil sa naturang alert level simula ngayong araw, Enero 3 hanggang Enero 15. Isa pang tinitingnang pangyayari ay ang muling pagbabawal sa mga fans na makapanood ng live sa venue ng laro.


“As of now hindi ko pa yan masasagot kase we have to talk first sa IATF, LGUs and GAB kung anong magiging desisyon,” pahayag ni Marcial sa mensahe nito sa Bulgar Sports.


Ayon kay GAB chairman Abraham “Baham” Mitra, maaaring ipagpatuloy ng PBA ang kanilang mga laro sa Miyerkules tampok ang bakbakan sa pagitan ng Magnolia Hotshots at Blackwater Bossing ng 3 pm susundan ng Alaska Aces at Meralco Bolts ng 6 p.m. Ngunit mariin nitong sinabing walang fans na papayagang manood sa mga naturang laro.


“Tuloy ang laro pero No audience at fans,” sambit ni Mitra sa isang mensahe sa Bulgar Sports. “Wala pa naman silang sinasabi sa amin pero Jan.3 mag-take effect kase ang Alert level 3.”


Matatandaang pinayagang makapaglaro ang kauna-unahang Asia’s pay-for-play league noong nasa ilalim pa ng General Community Quarantine ang bansa sa closed-circuit season sa Philippine Cup noong Hulyo ng 2021. Sa naturang closed-circuit set up, naging parte ng health and safety protocols ng liga ang 10-day testing sa lahat ng mga manlalaro, coaches, referees, at staff, habang hinihikayat ang pagiging fully vaccinated ng lahat. Sa mga laro rin ay pinagbabawalan ang mga fans na manood ng live.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page