Bawal magsalita dahil nasa korte na ang annulment pero… TOM, IPINAGSIGAWAN NA NAKALAYA NA KAY CARLA
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 10, 2022

Para sa Kapuso actress na si Carla Abellana, tuloy ang buhay sa kabila ng mga pagsubok at kabiguan sa kanyang marriage. Hindi siya nagpakita ng kahinaan, sa halip ay sinikap niyang ayusin ang mga aspeto sa kanyang buhay.
At dahil wala na nga siyang balak balikan ang kanyang ex-husband na si Tom Rodriguez, nag-file na siya ng annulment sa korte. Gusto na niyang ipawalang-bisa ang kasal nila.
Kaya naman may “gag order” na sa parte ni Tom ay dahil naka-file na sa korte ang annulment ng kanilang kasal ni Carla.
Sa ngayon ay mananahimik muna si Tom at hindi puwedeng maglabas ng kanyang panig at version sa kanilang paghihiwalay.
Pero, may post siya sa social media ng mensaheng lalabas at lalabas din ang katotohanan sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Carla.
Ang mahalaga ay nakawala na siya sa gapos tulad ng kanyang ginamit na larawan sa post niya sa kanyang Instagram.





Comments