Bawal lapitan… GRETCHEN, NAPAPALIBUTAN NG BODYGUARDS SA RESTO
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 13, 2023

Marami na ang nakaka-miss sa aktres na si Gretchen Barretto. Hindi na rin kasi ito gaanong nagpaparamdam sa social media.
Kaya may mga nagtatanong kung ano ang pinagkakaabalahan ngayon sa buhay ng nakatatandang kapatid nina Marjorie Barretto at Claudine Barretto.
Hindi na rin namin nakikita si Gretchen sa ilang showbiz events at bihira na rin itong makita kapag lumalabas at namamasyal sa mga malls.
Balitang may ilang nakakita raw sa aktres nang minsan itong kumain sa isang Korean restaurant at hindi ito puwedeng basta na lang lapitan ng sinuman, dahil napapaligiran daw si Gretchen ng maraming bodyguards.
Well, hindi lang naman kasi artista si Gretchen, isa rin siyang importanteng personalidad na kailangan talagang protektahan.
Ibang-iba na ang status ng pagkatao ngayon ng aktres at dahil ito sa karelasyon niyang businessman na si Antonio "Tonyboy" Cojuangco. Kaya naman, concerned ang lahat sa kanyang safety at security.
Hinding-hindi makakalimutan ng maraming manggagawa sa movie industry ang mga tulong at ayuda na ibinigay ni Gretchen nu'ng panahon ng COVID pandemic. Namahagi kasi ito ng ilang sakong bigas, groceries, wheelchairs at marami pang iba sa mga taong nangangailangan na kabahagi ng movie at TV industry.
Pati na rin sa mga artista, direktor at mga talents ay namahagi siya ng kanyang tulong at generosity.
Si Gretchen lang ang bukod-tanging artista na gumagawa ng kabutihang ito sa industriya, kaya talagang minahal siya ng marami at hinahanap ngayon ang presensiya niya sa showbiz.





Comments