top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bawal kumurap, knockout semifinals na sa NCRAA

Writer: BULGAR
BULGAR
May 22, 2023
1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 22, 2023



Mga laro ngayong Lunes – PUP Gym

9:00 AM CEU vs. PMMS (Babae)

10:30 AM Olivarez vs. PMMS

12:00 PATTS vs. ICC

1:30 PM DLSU-D vs. PUP (Babae)


Ang nakakapanabik na knockout semifinals ng 29th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) Basketball Tournament ay gaganapin ngayong araw sa Polytechnic University of the Philippines Gym sa Santa Mesa, Maynila. Bawal na magkamali at lahat ng koponan ay pantay-pantay at walang nakakalamang.


Itataya ng numero unong Olivarez College ang kanilang perpektong kartada sa kanilang 12 laro kontra sa delikadong Philippine Merchant Marine School simula 10:30 ng umaga.


Nakamit ng Mariners ang huling upuan sa semis noong Biyernes matapos patahimikim ang palaban na De La Salle University-Dasmarinas, 67-53.


Bumida sa PMMS si Season 26 MVP Bryan Hilario na may 21 puntos at siya muli ang aasahan na buhatin ang koponan sa ikalawang sunod na NCRAA Finals. Tututukan ang bantayan ni Hilario kay Edmund dela Cruz na dalawang may pinakamaraming napagwagiang Best Player ngayong torneo.


Sa kabilang semis, pagsusubukan ang PATTS College of Aeronautics at Immaculada Concepcion College sa 12:00 ng tanghali. Sasandal ang Seahorses kay Norman Torreno at Mark Jayson Morada habang tinitingnan ang pag-angat ng Blue Hawks sa gabay ng bagong talagang Coach Joseph Gumatay.


Ang mga mananaig ngayon ay tutuloy sa seryeng best-of-three para sa kampeonato. Maglalaro rin ng parehong semis sa Women’s Division simula sa sagupaan ng walang talo Centro Escolar University Lady Scorpions sa PMMS Lady Mariners sa 9:00 ng umaga. Ang kabilang semis ay sa pagitan ng host PUP Lady Radicals at defending champion DLSU-D Lady Patriots sa 1:30 ng hapon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page