top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bawal kumuha ng kasambahay na wala pang edad 15

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 28, 2022
1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | January 28, 2022



Dear Chief Acosta,


Gusto ko sana kumuha ng kasambahay mula sa aking mga kamag-anak o sa mga taong kanilang ginagarantiya. Sa kasalukuyan, ang tanging puwede na kasambahay ay ang aking malayong kamag-anak na edad 14. Legal ba kung kukunin ko siya dahil kailangan ko ng kasambahay? – Brenth



Dear Brenth,


Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa Section 16 ng Republic Act No 10361 o mas kilala sa tawag na “Domestic Workers Act” o “Batas Kasambahay,” kung saan nakasaad na:


“Section 16. Employment Age of Domestic Workers. – It shall be unlawful to employ any person below fifteen (15) years of age as a domestic worker. Employment of working children, as defined under this Act, shall be subject to the provisions of Section 10 (A), paragraph 2 of Section 12-A, paragraph 4 of Section 12-D, and Section 13 of Republic Act 7610, as amended, otherwise known as the “Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act. xxx”


(Binigyang-diin)


Malinaw na nakasaad na ipinagbabawal ng batas ang pag-empleyo ng sinumang tao na wala pang 15 taong gulang bilang kasambahay. Samakatwid, bawal ninyong kunin ang inyong malayong kamag-anak bilang kasambahay dahil edad 14 pa lamang siya.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page