top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Bawal isama sa pamamasyal ang alagang aso ‘pag walang tali

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 1, 2021
1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | September 01, 2021



Dear Chief Acosta,

May alagang aso ang aking kapitbahay. Hindi niya ito itinatali kapag ipinapasyal niya sa kalye dahil may bakuna naman diumano ito. Tama ba ito? – George


Dear George,

Para sa inyong kaalaman, ang mga batas na sumasaklaw patungkol sa inyong katanungan ay ang Republic Act (R. A.) No. 9482, o mas kilala bilang Anti-Rabies Act of 2007. Nakasaad sa Sections 5 at 11 ng R. A. No. 9482 na:


“SEC. 5. Responsibilities of Pet Owner. - All Pet owners shall be required to:


xxx xxx xxx


(c) Maintain control over their Dog and not allow it to roam the streets or any public place without a leash. Xxx


SEC. 11. Penalties. –


xxx xxx xxx


(5) Pet owners who refuse to put leash on their dogs when they are brought outside the house shall be meted a fine of five hundred pesos (P500) for each incident.”


Samakatwid, ang may-ari ng aso ay hindi dapat hahayaang gumala ang kanyang alaga sa kalsada o mga pampublikong lugar nang walang tali. Hindi dahilan upang hindi tuparin ang nasabing responsibilidad ng pagkakaroon nito ng bakuna. Bukod dito, nakasaad din sa batas na ang paglabag nito ay may kaukulang multa na nagkakahalag ng P500 sa bawat insidente ng paglabag.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page