top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Bati na ulit ang DDS at loyalist, naks!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 1, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 01, 2021


MAGALING PALA MAGPATAWA SI PASTOR QUIBOLOY—Sabi ng nagpapakilalang “Appointed Son of God” na si Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ, na ang pagsulpot ng COVID-19 Omicron variant ay parusa ng Diyos sa mundo, at may mas malala pa na mangyayari kung hindi titigil ang mga naninira sa kanya tungkol sa pagkakasangkot sa kasong sex child trafficking sa Amerika.


Ganun? Aba, dapat pala kay Quiboloy ay tumigil na sa pagpa-pastor at pasukin na lang ang showbiz bilang komedyante kasi magaling siyang magpatawa, ha-ha-ha!


◘◘◘


DDS AT LOYALISTA, BATI NA ULIT—Umatras na sa laban sa pagka-pangulo si Sen. Bong Go at dahil d’yan ay asahan nang bati-bati na ulit ang mga DDS at loyalista.


Kapuna-puna na nitong mga nakalipas na araw ay nag-aaway at nagsisiraan sa social media ang DDS at loyalista, pero dahil out na sa laban si Bong Go at hindi na niya makakalaban sa presidential race si Bongbong, kaya ngayon wala nang sa pagitan ng dalawang grupo ng mga tagasuporta, boom!


◘◘◘


DAPAT SA MGA TAGA-PHARMALLY, IBITIN NANG PATIWARIK SAKA BATUHIN NG BULOK NA KAMATIS—Dahil ayaw makipagtulungan sa imbestigasyon ng Senado, ikinulong na sa Pasay City Jail sina Linconn Ong at Mohit Dargani, kapwa executives ng Pharmally Pharmaceutical Corp. na sangkot sa pang-i-scam sa multi-billion peso sa kaban ng bayan na may kinalaman sa overpriced na medical supplies na idiniliber nila sa pamahalaan.


Sa totoo lang, kulang pa ang parusang ‘yan kasi ang dapat gawin kina Ong at Dargani ay ibitin nang patiwarik saka pagbabatuhin ng mga bulok na kamatis.


Hindi kasi katanggap-tanggap na habang maraming naghihikahos sa gitna ng pandemya, ini-scam nila pera ng bayan, period!


◘◘◘


MGA NAGPAPA-STL SA TAGUIG, MUNTINLUPA, PARAÑAQUE, PASAY, MAKATI AT LAS PIÑAS, DAPAT PAIMBESTIGAHAN NG MALACAÑANG—Dapat paimbestigahan ng Malacañang ang ilang gambling lords na nag-o-operate ng STL (small-town lottery)-con jueteng sa Taguig City, Muntinlupa City, Parañaque City, Pasay City, Makati City at Las Piñas City.


May nakarating sa ating impormasyon na may ilang gambling lords sa mga lugar na hindi ang hindi nagre-remit ng tax sa pamahalaan.


Kung totoo ‘yan, napakasalbahe naman ng mga gambling lords na ‘to kasi pinayagan na nga sila ng Duterte gov’t, na magpasugal sa Metro Manila, tapos dinaraya pa sa tax ang pamahalaan, tsk-tsk-tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page