top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Batang Pier, hindi pinaporma sa harurot ang Terrafirma

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 12, 2021
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | September 12, 2021




Pinakapos ng NorthPort Batang Pier ng hangin ang mga gulong ng Terrafirma Dyip para tuluyang hindi umusad sa PBA Philippine Cup kahapon at tambakan sa 104-84 na idinaraos sa DHVSU gym, Bacolor, Pampanga.


"Walang pagbabago, I told the boys na laro lang," ayon kay coach Bonnie Tan ng NorthPort. "Malaking bagay sana sa shaded lane si Greg Slaughter, pero kahit wala siya, okey naman ang defense namin, I'm happy gumana ang game plan namin kahit hindi siya nakalaro. I'm happy nag-step up siya (J.Malonzo)."


Nagsilbing Best player of the game si Jamie Malonzo sa 14 pts at 5 rebounds. Mula pa lang sa 3rd quarter ay isinara na sa 84-62 ang kalamangan na may 22 puntos ang Batang Pier.


Inilayo pa ng pasang bola ni Robert Bolick kay Malonzo sa bisa ng dunk shot at itarak ang 60-44 puntos sa huling 9 na minuto ng 3rd period.


Sa pagtatapos ng halftime, kumamada si Malonzo ng NorthPort ng 12 puntos habang umagapay ng 10 pts si Bolick para sa Pier upang umabante sa malaking kalamangan ang NorthPort sa 55-37 kontra Dyip.


Samantala, hinirang bilang Cignal Play – PBA Press Corps Best Player of the Week ng PBA Philippine Cup si Terrafirma Dyip guard Juami Tiongson ng pangunahan ang koponan na maibangon mula sa 0-4 start patungo sa tatlong sunod na panalo upang magkaroon ng tsansa sa playoffs.


Sapul nang magbalik ang liga matapos ang isang buwang pagpapahinga dulot ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa NCR, naiibang manlalaro ang ipinamalas ng 30-anyos na dating 4-time UAAP champion mula Ateneo De Manila University. Tinulungan nitong kunin ang magkasunod na career-high laban sa 5-time titlist San Miguel Beermen at defending champion Ginebra Kings sa nakalipas na linggo, habang sumuporta naman ito sa koponan sa third straight win kontra sa win-less na Blackwater Bossing.


Sa tatlong dikit na panalo ay rumehistro ang 2014 1st round 12th pick overall ng averaged na 23.0 points kabilang ang 15 triples mula sa 50-percent clip, kaakibat ang 5.3 assists, 3.0. rebounds, at 2.0 steals, para sa mga laro mula Setyembre 1-5.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page