Batang Kankaloo sa 2-YO Maiden Race
ni Green Lantern - @Renda at Latigo |November 18, 2022
Sasalang si Batang Kankaloo sa 2-Year-Old Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, ngayong araw.
Ayon sa mga karerista, inaasahang mapapalaban si Kankaloo kontra apat na tigasing batang kabayo sa distansiyang 1,200 meter race na pakakawalan sa unang kaarera.
Rerendahan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate, makakatagisan ng bilis ni Kankaloo sina Mount Maagnaw, Paramount, Captain Det Det at Sweetie Giselle na maugong na mahuhusay na kabayo.
Ang nasabing event ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli de Leon.
Kabilang sa paglalabanan ng limang kabayo ang added prize na P20,000 para sa winning horse owner. Tiyak din na aabangan ng mga karerista ang bakbakan ng anim na kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pakakawalan sa pangalawang karera.
Ang mga kasali sa nasabing karera ay sina Limunsudan Falls, Amazing Julliane, Quid Pro Quo, Sparestrike, Wiling Willie at Classic princess.
Samantala, pitong races ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes kaya paniguradong masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Batang Kankaloo (5), Paramount (2)
Race 2 - Quid Pro Quo (3), Sparestrike (4)
Race 3 - Top Of The Mark (6), Handsome Pocket/Relive D' Magic (3/3A)
Race 4 - Fire Wind (3), Cool Cat (4)
Race 5 - My Dad Bogart (5), Eyeshot (4)
Race 6 - Kumander (4), Hook The Hustler (6)
Race 7 - Panday Pira (6), Bowties And Charms (1), Rise Up (14)





Comments