top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Batang Gilas, tinibag ang Qatar at Taiwan

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 24, 2022
1 min read

ni VA - @Sports | August 24, 2022




Muling pinamunuan ni Mason Amos ang Gilas Pilipinas Youth sa itinala nitong 77-61 panalo kontra Qatar para sa kanilang ikalawang sunod na tagumpay sa 2022 FIBA Under-18 Asian Championship, noong Lunes ng gabi sa Azadi Basketball Hall sa Tehran, Iran. Dahil sa panalo, sumulong ang mga kabataang Pinoy sa quarterfinal round. Buhat sa 35-34 na kalamangan nila noong halftime, nagsimulang lumayo ang Gilas Youth sa kalagitnaan ng third period.

Nalamangan pa ng Qatar, 41-40, pumukol ng dalawang sunod na 3-pointers sina Joshua Coronel at Amos na nagpasiklab sa inilatag nilang 11-2 blast upang mabawi ang pangingibabaw.

Huling dumikit ang Qatar sa iskor na 48-54, papasok sa huling yugto ng laro bago muling rumatsada ang Gilas ng 14-3 run upang ganap na kontrolin ang laban.


Samantala, kinumpleto ng Gilas Pilipinas Youth ang pag-sweep sa grupo ng FIBA Under-18 Asian Championship nang talunin din sa 84-73 ang Chinese Taipei, kagabi sa Azadi Basketball Hall sa Tehran, Iran. Si Amos pa rin ang nanguna sa Gilas U-18 sa 13 ng kanyang 28 puntos sa 4th quarter, may six rebounds at 3 assists. May 16 puntos si James Nacua habang si Jared Bahay ay may 8 pts at 10 assists.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page