top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Bata pa raw... JOAQUIN, OKS NA SA LIVE-IN, AYAW PAKASALAN ANG NANAY NG ANAK

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 3, 2023
3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 3, 2023



Finally ay diretsahan at lantaran nang inamin ni Joaquin Domagoso na isa na siyang ama sa 8-month-old baby nila ng non-showbiz girlfriend na si Rafa Castro, anak ng dating aktor na si Diego Castro.


Sa ginanap na presscon ng award-winning movie ng guwapong anak ni dating Mayor Isko Moreno na si Joaquin titled That Boy In The Dark, hindi na nga nagpatumpik-tumpik si JD (palayaw ni Joaquin) at kusa na nitong inamin ang pagkakaroon ng anak.


Kaya naman inurirat ng press ang naging journey niya sa pagiging tatay, kung paano niya sinabi sa parents niya ang balitang magiging ama na siya at ang mga plano niya ngayong unti-unti na ring umaangat ang status ng showbiz career niya, lalo’t humakot nga ang That Boy In The Dark ng maraming parangal sa ginanap na 2022 Five Continents International Film Festival (FCIFF) sa Venezuela kamakailan lang.


Kuwento sa amin ni Joaquin, at first ay kinabahan din siya nang malamang buntis si Rafa. Two months daw niyang itinago ito sa kanyang Daddy Isko hanggang one day, ito na raw ang nag-open sa kanya ng topic at kinantiyawan siyang magiging tatay na pala siya. Nalaman daw ni Mayor Isko ang balita sa manager nila ni JD na si Daddie Wowie Roxas.


When asked kung ano’ng sinabi ng dad niya nang malaman ito, sagot ni JD, “Wala naman (‘di nagalit). Sabi lang niya, magbago na ako.”


Twenty-one years old pa lang si JD gayundin ang ina ng kanyang anak. Kaya tuwing tinatanong kung may balak na ba silang magpakasal, naiiling ang guwapong binata at sabi sa mga press people, ‘wag daw siyang i-pressure dahil mga bata pa sila.


Pero inamin din ni JD na magkasama na sila sa condo ng kanyang mag-ina at dahil kumikita na rin, siya na ang nagpo-provide ng pangangailangan ng mga ito. Although, para raw sa monthly dues ng condo na umaabot sa P30K a month, si Mayor Isko pa rin ang nagbabayad.



Aminado si JD na malaki ang nagbago sa kanyang sarili nang dahil sa pagiging tatay.


Hirap na hirap nga raw siyang umalis ng bahay dahil ayaw niyang ma-miss ang anak. At kahit may pagka-immature pa rin naman (which is understandable at his age, 21), sabi ni JD ay unti-unti naman siyang nagiging responsable dahil na rin sa payo ng kanyang Daddy Isko.


At masayang-masaya si JD dahil hindi lang ang pagkakaroon ng anak ang malaking blessing na natanggap niya nu’ng year 2022.


Para sa kanyang showbiz career, matapos siyang tanghaling Best Actor sa 16th Toronto Film and Script Awards sa Toronto, Canada noong November 23, 2022 sa kanyang pagganap sa That Boy In The Dark, humakot din ng parangal ang kanyang pelikula sa 2022 FCIFF, ang online festival ng Venezuela.


Hindi lamang si Joaquin ang nanalo dahil ang That Boy In The Dark ang tinanghal na Best Thriller Feature Film, Best Screenplay Feature Film (Gina Marissa Tagasa) at Best Lighting Feature Film (Nelson Macababat, Jr.).


Ang director ng That Boy In The Dark na si Direk Adolf Alix, Jr. ay nakatanggap naman ng Special Mention Director Feature Film, habang Special Mention Supporting Actor Feature Film naman ang natanggap ni Kiko Ipapo, isang baguhan na co-star ni Joaquin sa pelikula.


Kaya naman, lalong na-inspire si Joaquin na mas pagbutihan pa ang pag-arte.


Hiningi nga namin ang reaksiyon niya sa mga puna na sikat lang ang Daddy Isko niya pero mas magaling siyang aktor kesa rito dahil at his young age, may Best Actor award na siya at pang-international pa.


Nagpaka-humble naman si JD at sinabing magaling ding umarte ang kanyang Daddy Isko, pero sabay hirit na mas guwapo siya rito. Hahaha!


Pero teka, hindi kaya matuloy ang kompetisyon ng mag-ama dahil nabanggit nga ni JD sa ilang press na nag-interview sa kanya na tinanggap ni Mayor Isko ang role sa Martyr or Murderer (MOM) kahit pa una na siyang kinuhang bida sa isang movie na katapat ng MOM kung saan gaganap din siyang Ninoy Aquino?


Luh! May tapatan ang mag-ama sa sinehan, ganern?! Eh, di ang saya! Hahaha!


Anyway, palabas na ang That Boy In The Dark sa mga sinehan dito sa ‘Pinas sa January 8 at kasama rin ni JD sa movie bukod kay Kiko Ipapo ang baguhan ding dalagang anak ni Glydel Mercado na si Aneeza Gutierrez. Join din sa cast ng movie sina Glydel at Lotlot Mercado na kahit ‘mag-ex-hipag’ na raw ay very good friends pa ring magkasama sa That Boy In The Dark.


O, ‘di ba, sabi sa inyo, ang saya-saaaaaya talaga nila! Hahaha!


‘Yun na!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page