top of page
Robin Padilla - FB

Bata pa, marunong nang humawak ng baril… SEN. ROBIN, UMAMING NAGING BIKTIMA RIN NG VIOLENCE AT BULLYING

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 4 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | July 5, 2026



TALKIES - SEN. ROBIN, UMAMING NAGING BIKTIMA RIN NG VIOLENCE AT BULLYING-FB Robin Padilla

Photo: Robin Padilla / FB



Aminado ang aktor-senador na si Robin Padilla sa isang social media post na naging biktima rin siya ng gang violence at bullying noong kabataan niya.


Gayunman, sinabi niyang hindi kailanman sumagi sa isip niyang dalhin ang shotgun ng kanyang ina na si Eva Cariño-Padilla upang gamitin laban sa mga nambu-bully sa kanya.

Kuwento ni Robin, “Nu’ng bata ako (10 years old), pinaglilinis ako ng shotgun ni Mama Eva. Tinuruan ako ni Ermats (mama) mag-load at mag-unload ng bala, lalo na ang safe at fire, para makasigurado na walang aksidente.


“Sinanay kami na abot-kamay ng buong pamilya ang shotgun dahil dumami ang akyat-bahay sa Baguio noon.


“Naging biktima rin naman ako ng gang, frat at tribal issues, lalo na ng bullying mula sa senior at territorial feuds. Pero ‘di ko kailanman naisip na dalhin ang shotgun ni Ermats at i-gun down ang mga bully o mga kaeskuwela ko.


“Suntukan lang talaga o rambol, serious physical injuries talaga ‘pag na-corner ka at naiwan sa paglusob at pag-atras.”


In fairness kay Sen. Robin, talagang napalaki sila ng kanilang Mommy Eva na mabubuti at mapagmahal na magkakapatid.





Proud na proud… COCO, FEELING JACKPOT KAY JULIA BILANG PARTNER



DOBLE-DOBLENG suwerte ang tinatamasa ng aktor na si Coco Martin sa kanyang buhay. Bukod sa patuloy na tagumpay ng kanyang karera, natagpuan din niya ang taong itinuturing niyang tunay na katuwang sa buhay — si Julia Montes.


Sa isang panayam, buong-pagmamalaking ibinahagi ni Coco kung gaano siya kasuwerte na makasama si Julia.


Aniya, “Ang sarap sa pakiramdam kasi nagkaroon ako ng partner. Madaling sabihin ‘yung relationship, pero ‘yung as a partner, kahit sa hirap at ginhawa, magkasama talaga kayo.


“Kaya sabi ko sa sarili ko, napakasuwerte ko kay Julia. Madaling magkaroon ng relasyon, pero mahirap magkaroon ng taong makakatuwang mo at makakasama mo talaga sa buhay.”


Samantala, natutuwa ang Prime Actress na si Julia Montes na patok din sa mga manonood ang mga nakakatawang banat at good vibes na mga eksena sa serye nila ng mister.


Mas maraming Pilipino na ang makakanood ng Coco Martin’s Sigabo sa iba’t ibang platforms kung saan available ito Lunes hanggang Biyernes, 8 PM, sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB), at iWant.





NAGBAHAGI ang mga batikang direktor na sina Joel Lamangan at Joey Reyes ng kanilang karanasan sa pakikitungo sa mga artistang mahirap katrabaho sa set nang mag-guest sila sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).


Tinanong ng mahusay na TV host na si Boy Abunda ang dalawa, “Paano ninyo hina-handle ang mga artistang ‘di masyadong maganda ang ugali?”


Ayon kay Direk Joel, hindi siya nag-aatubiling pagsabihan ang mga artistang hindi maayos ang pakikitungo sa kanilang mga katrabaho, lalo na sa mga crew at iba pang miyembro ng produksiyon.


Aniya, “Inaaway ko. ‘Pag ‘di maganda ang ugali, ibig sabihin minamaltrato ang mga crew at ang maliliit sa produksiyon. Nakakarinig sa akin. Sinasabi ko, ‘Hoy, ‘di maganda ang ugali mo. ‘Di ka magtatagal dito. Tatanda ka rin, ‘wag ganyan.’”


Samantala, ibinahagi naman ni Direk Joey na bagama’t tinatapos niya ang proyekto bilang pagtupad sa kanyang propesyonal na responsibilidad, hindi na niya muling pinipiling makatrabaho ang artistang nagdulot ng problema.


Aniya, “Tatapusin ko ang project, pero isinusumpa ko na ‘di ko na s’ya makakatrabaho hanggang the end of time. Commitment kasi ‘yun. Nandu’n na s’ya, at malamang ay producer ang naglagay sa kanya. Kaya tatapusin ko ang commitment ko. Pero sa susunod, kahit apat na reincarnation, ayaw ko na s’yang makita.”


Sa panayam, napag-usapan din ang Star for All Seasons na si Vilma Santos at ang yumaong Superstar na si Nora Aunor.


Tinanong ni Boy Abunda ang dalawang direktor, “Let’s talk about two of the greatest actors in Philippine cinema. What are your thoughts about the great Vilma Santos and the great Nora Aunor?”


Ayon kay Direk Joey, hindi maihahambing ang dalawa dahil kapwa sila may natatanging husay at ambag sa industriya.


Aniya, “They are two sides of the same coin. Iba ang kalidad ni Vilma, iba ang kalidad ni Ate Guy. There are things that are sparkling sa career ni Ate Guy in the same manner that there are things sparkling kay Vilma. There is Bona, there is Sister Stella L. There is Tatlong Taong Walang Diyos, there is Relasyon. There is no way to compare apples and oranges.”


Samantala, inamin ni Direk Joel na isa siyang matagal nang tagahanga ni Nora Aunor, ngunit binigyang-diin din niya ang kanyang pagkakaibigan kay Vilma Santos.


Aniya, “Noranian ako, ‘di ba? Number one Noranian ako. Pero kaibigan ko si Ate Vi. Si Ate Guy, ‘di naman s’ya perpekto, lalo na nu’ng bata pa s’ya pagdating sa set. May mga pagkukulang s’ya, pero ‘yung pagkukulang na ‘yun, napupunan na ‘pag sinabi mong ‘Action!’ Pagkahusay-husay n’ya. ‘Di ka na nagagalit sa kanya.”


In fairness, pagdating sa husay sa harap ng kamera, talagang panalo sina Vilma at Guy.

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page