Bata pa, korup na — Jonvic... SK, buwagin
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | April 28, 2026

Photo: Jonvic Remulla - DILG Philippines
Isinusulongg ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang pagbuwag sa Sangguniang Kabataan (SK) dahil sa pangamba na may ilang kabataang opisyal ang natututo na nang maaga sa korupsiyon.
“Kung magkakaroon ng constitutional change, ire-recommend ko ang abolition ng SK. Nakikita natin na nagiging kultura na mula bata ang corruption,” aniya.
Ayon pa kay Remulla, mataas ang attrition rate sa mga SK official kung saan kalahati sa mga ito ang umaalis sa kanilang posisyon sa loob pa lamang ng kanilang unang taon dahil sa pag-aasawa, trabaho, o pag-aaral, kaya napipilitan ang mga barangay na magtalaga ng mga officer-in-charge.
Maaari umanong mas epektibo kung magtalaga na lamang ng isang miyembro ng barangay council upang mangasiwa sa mga usaping pangkabataan.
Matatandaang bukas ang Palasyo sa panukalang ipagpaliban ang halalan upang makatipid ng pondo sa gitna ng krisis sa Middle East.
Nakatakda sa Nobyembre 2 ang Barangay at SK Elections.




Comments