top of page
Search

Fni Angela Fernando - Trainee @News | November 1, 2023




Opisyal nang natapos ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) matapos tuluyang makumpleto ng Commission on Elections (Comelec) ang pagbibilang ng mga balota sa lahat ng barangay.


Ito ang pahayag ng Comelec chairman na si George Garcia sa kanyang mensahe sa Viber.


Agad namang naiproklama ang mga nanalong kandidato at handa nang maupo liban sa ibang nagkaroon ng pantay na bilang ng boto at kailangan pang palipasin ang 5 araw.


May ilang mga kandidato naman ang sinuspinde ng Comelec.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 30, 2023




Nangako ang Department of Education (DepEd) ngayong Lunes na bibigyan ng tulong medikal at insurance ang mga guro na naglingkod para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).


Sinabi ni Michael Poa, tagapagsalita ng DepEd, sa mga mamamahayag sa tanggapan ng Commission on Elections na bukod sa mga benepisyo na ibinibigay ng Comelec, ibibigay din ang tulong medikal at personal accident insurance sa kanila.


Dagdag pa niya, nakipag-ugnayan na ang DepEd sa Comelec upang tiyakin na makukuha ng mga BEI ang kanilang honoraryo para sa tungkulin sa halalan.


Nagkakahalaga ito ng P9,000 hanggang P10,000. Sa kasalukuyan, pinoproseso na ng DepEd ang mga kailangan para sa mas maagang pagpapalabas ng honoraryo.


Ang benepisyo para sa may mga tungkulin sa halalan ay dapat mailabas sa loob ng 15 araw.







 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 30, 2023




Inaasahang 70-75% na botante ang dudumog ngayon para sa eleksyon ng barangay at Sangguniang Kabataan na mas mataas na 71% na naitalang bumoto nu'ng 2018.


Saad ni poll chairman George Garcia, panalo na kung makakuha ng 75% sa 92-milyong botante ngayong halalan.


Nagpahayag din siya ng tuwa sa mga botanteng maagang nagpunta sa kanilang presinto mapa seniors o PWD man ang mga ito.


Dagdag niya, tama ang naging desisyon ng Comelec na simulan ang botohan ng 5am-7am,


Sa kasalukuyan, isinusulong ng Comelec ang maagang botohan para sa 2025 elections upang mas maging maayos ang takbo ng halalan.





 
 
RECOMMENDED
bottom of page